Saturday , December 13 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
John Arcilla SPINGO

John Arcilla game show host na sa SPINGO ng TV5

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

MAY talent din pala si John Arcilla sa pagho-host dahil sasabak ang multi-awarded actor na itinanghal bilang kauna-unahang Pinoy na nag-uwi ng Volpi Cup for Best Actor sa prestihiyosong 78th Venice International Film Festival, sa pagiging game show host sa kauna-unahang pagkakataon sa pinakabagong interactive game show ng TV5, ang SPINGO.

Maliban sa ingenious game show concept ng SPINGO, isa rin itong milestone sa makasaysayang karera ni John. 

Nakilala si John dahil sa kanyang exceptional onscreen performances, susubukan naman ngayon ng aktor ang papel bilang isang charismatic game show host na gagabay sa mga manlalaro at manonood sa nakae-excite na skill-based challenges at trivia ng programa.

“Hosting a game show like SPINGO is something utterly new for me. I’m known to be an actor who portrays all kinds of roles in theater, on TV and the movies, but this is the first time that I’ll be interacting live with contestants and audiences who are taking their chances to win a fortune. This is definitely a big challenge for me but, at the same time, I am excited to explore my capacities in the field of TV hosting. I am thankful for this opportunity, and I can’t wait for the whole Philippines to spin and go with SPINGO,” ani John.

Gamit ang tagline nitong “Sa bawat spin, go for the win!,” ang SPINGO ay magbibigay ng bagong spin sa pinaka-paboritong laro ng mga Pinoy na Bingo, at hatid nito ang nakaaaliw na challenges na may kaakibat na mga papremyo.

Bukod sa mga exciting challenges sa bawat episode ng SPINGO, may innovative twist din ito dahil pati ang mga manonood ay magkakaroon ng pagkakataon na manalo ng malaking papremyo. Kailangan lamang i-download ang SPINGO app mula sa Google Play Store para makasali at manalo habang nanonood sa ng SPINGO.

Abangan si John sa kanyang bagong role na ipakikita niya ang kanyang versatility kasama ang kanyang co-host na si Spingorgeous Girl Sam. Makisaya at makisali sa SPINGO araw-araw sa TV5 mula Lunes hanggang Biyernes, 5:30 p.m.. 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

MMFF Parade

Parade of Stars sa Dec 19

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Samantala, sa December 19, 2025 (Friday) naman magaganap ang Parade of Stars sa …

Tonton Gutierrez im perfect

Tonton sobrang humanga sa mga bidang may Down Syndrome: Ang husay nilang umarte  

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez INAMIN ni Tonton Gutierrez na nasorpresa siya sa galing ng mga kasama nilang …

Bianca de Vera

Bianca ‘di inaasahan pagdagsa ng blessings

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez TAMPOK si Bianca de Vera sa huling Star Magic Spotlight presscon ng taon-ibinahagi niya ang …

TobaccOFF NOW

TobaccOFF NOW! Pre-Screening Event pangungunahan ng mga kabataan 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez DALAWAMPU’T LIMANG kabataang filmmakers mula sa buong bansa ang maglalahad ng …

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …