Sunday , January 25 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Janine Gutierrez

Janine epektibo sa pagiging bida-kontrabida

MA at PA
ni Rommel Placente

MAITUTURING ni Janine Gutierrez na dream come true ang role niya bilang bida-kontrabida sa seryeng pinagbibidahan, ang Dirty Linen

Napatunayan niya kasi na kayang-kaya niyang gumanap ng karakter na napakaraming layers ang dapat ipakita.

Sabi ni Janine, “Dati kasi may nagsasabi sa akin na hanggang diyan ka lang, hindi ka pwedeng mag-play ng ganyang role, kasi mestiza ka. Sabi nila, hanggang ‘yan lang ang magagawa mo dahil sa itsura mo.

“So, I’m very grateful na napagkatiwalaan ako ng ganoong character sa ‘Dirty Linen,’ kasi ito talaga ‘yung gusto ko, ‘yung lumalaban, hindi one sided. Hindi mo alam kung kakampihan mo siya, magagalit o maaawa ka,” aniya pa.

Maipagmamalaki ni Janine ang serye nilang Dirty Linen at ang pagiging isa sa cast nito.

Proud ako sa ipinaglalaban ng kwento. Katapangan niya at katapangan lahat ng cast to show something that’s not just na kailangan mabait ako rito. Everybody was game to show the good and the bad sides. Lahat aligned. So, proud ako na napabilang ako rito. Proud ako sa kwento. Proud ako tuwing mayroob tayong napapaiyak. Or mayroong naiinis sa ginagawa ng mga characters natin.”

Sa tanong kung ano ang itinuturing niyang memorable o unforgetable scenes sa kanilang serye, ang sagot ni Janine, “Ang hirap po pala pumili ng isa pero ang dami talaga. Pero favorite ko rin po ‘yung pilot, ‘yung nakapasok sa mansion. Favorite ko rin ‘yung nagkita kita kaming tatlo. Parang first taping namin ‘yun eh. In the beginning, ginather kami ni tatay tapos parang doon din ‘yung unang na-establish ng character namin na ganito si Alexa (Erika Clemente) ganito si Max (Christian Bables) at ganito si Lala (Jennica Garcia-Uytingco). Mayroon lang isang line na ibinilin sa akin ni direk Onat Diaz na kailangan masabi mo ito ng maayos. ‘Yung linya ko na ‘ngayong namulat ka na sa katotohanan, kasalanan ang pumikit.’ Isa ‘yan sa favorite line ko na binitiwan. Gustong gusto ko rin ‘yung nga eksenang naghuhulihan kami ni Aidan (Zanjo Marudo).”

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Placente

Check Also

ccCrissha Aves Miss Teenager Universe Philippines 2026

Crissha Aves iuuwi korona sa Miss Teenager Universe 2026

MATATAS sumagot at kitang-kita ang tiwala sa sarili ng 15-year-old beauty queen na si Crissha Aves na …

Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel, Kaila spotted sa El Nido, Palawan

MUKHANG hindi na itinatago nina Daniel Padilla at Kaila Estrada ang kanilang relasyon. Spotted ang rumored celebrity couple sa …

Boobay Basudani Festival Bansud

Boobay nag-collapse muli sa stage habang nagso-show

NAG-COLLAPSE at nawalan muli ng malay si Boobay habang nagpe-perform sa Basudani Festival sa Bansud, Oriental Mindoro noong Lunes, …

Willie Revillame Sugar Mercado

Willie inamin 7 taong relasyon kay Sugar: hindi talaga kami para sa isa’t isa

ni Allan Sancon DIRETSO at walang iniwasang tanong si Willie Revillame nang humarap sa press kamakailan, lalo …

Apeng Valenzuela Mantsa Louie Ignacio

Newbie produ tutulungan movie industry 

MATABILni John Fontanilla LAYUNIN ngbaguhang producer na si Apeng Valenzuela na makatulong sa movie industrykaya ipinrodyus niya …