Saturday , December 20 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Bong Revilla Jr

Sa 50th anniversary celebration 
KAPAMILYA, KAPUSO PAGSASAMAHIN NI SEN BONG 

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

ISANG malaking selebrasyon ang nakaabang bilang pagdiriwang ng ika-50 taon sa showbiz ni Senador Bong Revilla kasabay ng pagdiriwang ng kanyang kaarawan sa September 25, 2023. 

Kaya naman asahan din ang pagdalo ng mga naglalakihang artista at politiko. Pero ang masaya, magsasama-sama ang mga Kapuso at Kapamilya stars.

Ang pagdiriwang ay bilang pasasalamat ng aktor/politiko sa napakakulay na  buhay-showbiz at labis-labis ang kanyang pasasalamat sa maraming blessings na natatanggap niya mula sa Itaas mula noon hanggang ngayon.

“Palagi kong sinasabi ito, eh, I am so blessed. Lahat sa Panginoon, pasasalamat lang, eh. Dahil imagine, nandiyan ‘yung anak ko—abogado, doktora, tapos andyan sina Jolo, sina Bryan, nagse-serve na rin para sa bayan. 

“Ano pang hihilingin ng isang Bong Revilla? Wala na, eh,” anang senador nang makahuntahan kahapong ng tanghali sa SuperSam sa Quezon City.

Pwede na akong kunin ni Lord, anytime” biro nitosabay-tawa.

“Ibig sabihin, I’m so blessed, fulfilled, as a father, actor, as a politician, naging number one na ako noon (bilang Senator), na-achieve ko na ‘yan. Napabagsak ako ng kalaban ko, bumangon ako, nakatindig ulit ako.

“’Itong career ko sa showbiz, I’m back again. I mean, mahal pa rin tayo ng tao. So, ano pang hihilingin ni Bong Revilla?” nakangiting sabi pa ni Sen. Bong.

Bukod nga naman kasi sa tagumpay niya bilang public servant maganda rin ang naging pagtanggap ng tao sa kanyangcomedy-action series na Walang Matigas na Pulis sa Matinik na Misis na magpi-finale sa Linggo Aug. 20, 7:15 p.m. sa GMA-7.

Consistent na mataas ang ratings ng show linggo-linggo kaya naman masayang ibinalita ng senador na pinaplano na ang Season 2 nito.

“Nagpapasalamat ako sa GMA, sa tiwalang ibinigay nila sa ‘kin, tapos tayo ngayon, ‘eto na sa finale na. Sa lahat ng mga nanood, sumuporta, even sa mga advertiser, palaging over-loaded ang ating show. Sa fans natin, sa mga supporter, maraming salamat po,” masayang pagbabahagi pa ng senador na lalong gumagwapo.

Ani Bong, may mga planong balak gawing araw-araw ang kanilang comedy-action series ngunit wala pang kompirmasyon. 

Sakaling matuloy ito aba panalo ang audience gayundin ang mga artistang makakasama ni Bong dahil tiniyak nitong maraming artista ang madaragdag sa serye.

Kaya abangan ang bonggang 50th anniversary celebration ni Sen. Bong sa Sept 25  na gaganapin sa Okada, Manila.

Ayaw pang magbigay ng ibang detalye ang senador dahil inaayos pa mismo ng kanyang misis na si Cong. Lani Mercado ang ilang detalye.

Pero bago ang anibersaryo, birthday, at finale ng Walang Matigas na Pulis sa Matinik na Misis, abangan sa Linggo (Aug 20), 5:30 p.m. ang bonggang mga papremyo sa kanyang Facebook page na mananalo ng laptop, cellphone, at cash prizes.

Sa Linggo rin gaganapin sa Facebook page ni Sen. Bong ang gender-reveal ng unang baby nina actor/politician Jolo Revilla at dating beauty queen na si Angelica Alita na kasalukuyang nasa first trimester ngayon ng pagbubuntis.

Kaya tutok na sa Facebook page ni Sen. Bong dahil tiyak na marami na naman ang masisiyahan sa ipamimigay niyang mga regalo. 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

MMFF Parade

MMFF Parade of Stars magsisimula sa Macapagal Ave

I-FLEXni Jun Nardo PARADE of Stars ngayong hapon para sa 51st Metro Manila Film Festival sa Makati City. …

ABS-CBN ALLTV TV5

ABS-CBN bayad na raw utang sa TV5 

I-FLEXni Jun Nardo BAYAD na raw ang obligasyon ng ABS-CBN sa TV5. Ayon ito sa kumalat na press release …

Zsa Zsa Padilla Aliw Awards

Aliw Awards nag-sorry kay Zsa Zsa

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez HUMINGI ng paumanhin ang Aliw Awards Foundation sa aktres/singer, Zsa Zsa Padillamatapos isauli ang Lifetime …

Andrea Brillantes Rekonek

Andrea naospital, ‘di nakadalo sa preem; Rekonek positibo mensahe sa pamilyang Pinoy

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez MAGANDA ang iniwang mensahe ng pelikulang Rekonek: anumang pinagdaraanan ng pamilya, mag-away-away …

Zaijian Jaranilla Earl Amaba Krystel Go Im Perfect

Zaijian nahirapan noong una: pero nang nakita ko ‘yung eksena sobrang magical

RATED Rni Rommel Gonzales MAHUSAY na aktor pero aminado si Zaijian Jaranilla na nahirapan siya sa papel …