Saturday , January 31 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Cristine Reyes Empoy Marquez

Empoy pinuri galing ni Cristine sa pagkokomedya

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

“‘YUNG buong pagkatao niya nakakatawa na, organic siya para sa akin.” Ito ang nasabi ni Empoy patungkol kay Cristine Reyes na hinangaan niya ang galing sa pagkokomedya.

Magkasama ang dalawa sa Kidnap for Romance ng Viva Films na mapapanood na sa mga sinehan sa September 6, 2023 at idinirehe ni Victor Villanueva, ang direktor ng Patay na si Hesus at Boy Bastos.

Ani Empoy nang ipa-describe si Cristine sa pagiging komedyante, “slapstick ito eh sa totoong buhay. Pero I feel much better kapag ganoon. Sa sobrang saya niya akala niya everyday birthday niya, minsan matutulak ka niya, at doon ka matatawa sa tawa niya.

“At ang mga kilos niya sa lahat..may kasama kang anak na makulit ganoon siya.”

Kaya naman nang hingan ng advise ang aktor bilang siya ang magaling sa comedy at si Cristine ay sa drama, “‘wag siyang manood ng mga comedy o ‘wag siyang manood ng mga nakakatawa, kasi ang buong pagkatao niya ay nakakatawa na eh. Organic siya para sa akin, kasi hindi niya kailangang gumaya sa iba, mayroon siyang sariling portray, style.” 

Kasama rin nina Cristine at Empoy sa Kidnap for Romance sina Boboy Garovillo, Yayo Aguila, Jeric Raval, Nikko Natividad, Debbie Garcia, Archi Adamos, TJ Valderrama, Kyo Quijano, Tyro Daylusan, Marnie Lapus 

Bale ito ang ika-20 taon ni Cristine sa showbiz at mapapanood siyang muli sa isang romantic comedy matapos ang limang taon. Ngayon, may action pa na kasama dahil gumaganap siya bilang isang stuntwoman  at kapareha  si Empoy.

Si Cristine si Elena, na tinatawag ding “Ganda.” Mga holdaper ang kanyang Tatay Mando (Archi) at kapatid na si Jayjay (Nikko) at kasalukuyang nakakulong. Nangangailangan sila ng malaking pera para sa pagkajaospital ng kanyang Nanay Rosing (Yayo) kaya mapipilitang pumasok si Elena sa isang sindikato.

Si Marquez ay si Godofredo Tan, “Fred” for short. Half-Chinese at nag-iisang apo ni Henry Tan (Boboy), isa sa pinakamayaman sa Pilipinas. Gusto ni Lolo Henry na mag-asawa na si Fred at gawin itong tagapagmana. Pero takot sa commitment si Fred.

Ang ninong ni Elena na si Arturo (Jeric) ang pinuno ng sindikato at nag-utos kay Elena na  kidnapin si Fred para sa ransom. Nagtagumpay naman si Elena na kidnapin si Fred pero para hindi mahabol ng mga pulis, nagtago sila sa villa na pag-aari nina Fred. 

Sa gita ng away nina Elena at Fred, saktong darating si Lolo Henry at makikita sila sa hindi kanais-nais na posisyon. Agad iuutos ng matanda na ikasal ang dalawa. 

Naka-jackpot na ba si Elena dahil sa yaman ng pamilya nina Fred? 

‘Wag palalampasin ang nakaaaliw na kuwento ng Kidnap for Romance na mapapanood na sa mga sinehan sa Setyembre 6, 2023.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Fifth Solomon Joseph Marco Rhen Esçan̈o

Direk Fifth aarte muli basta maganda ang proyekto  

MATABILni John Fontanilla HANDA pa ring umarte sa mga teleserye o pelikula  si direk Fifth Solomon. Matagal-tagal …

Alden Richards Nadine Lustre

Alden excited makatrabaho si Nadine 

MATABILni John Fontanilla MASAYA si Alden Richards na makakatrabaho si Nadine Lustre. Anang actor, isa si Nadine sa …

Ai Ai delas Alas Empoy Marquez

Ai Ai ayaw manira ng masayang pamilya

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez “AYAW kong manira ng masayang pamilya!” Ito ang iginiit ni Ai Ai delas …

Vic del Rosario Ricky del Rosario

Kapatid ni Boss Vic na si Ricky ngayong araw ang libing

I-FLEXni Jun Nardo PUMANAW na ang nakababatang kapatid ni Boss Vic del Rosario ng Viva Group of Companies na …

Rhian Ramos Michelle Dee Baro Alyas Totoy

Michelle nasa Iloilo nang maganap ‘pag-torture’ sa driver, Kampo  ni Rhian iginiit walang illegal detention

I-FLEXni Jun Nardo MAAGAP na naglabas ng panig ang legal counsel nina Rhian Ramos at Michelle Dee sa umano’y …