SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio
IGINIIT ni Yassi Pressman na walang namamagitan sa kanila ng Presidential son na si Sandro Marcos. Kasunod nito ang pagde-deny na may relasyon siya sa kongresista.
Natatawang pangangatwiran ni Yassi, nabigyan ng malisya ang viral video nila ni Sandro habang magkasama sa isang event na sweet.
“Nalagyan lang po ng malisya dahil na-slow-mo, nalagyan ng music,” ang sabi ni Yassi sa report ng 24 Oras at sinabing tawang-tawa sila sa pag-uugnay sa kanilang dalawa.
Inamin naman ni Yassi na break na sila ng kanyang non-showbiz boyfriend na si Jon Semira.
“Matagal na po talaga kami naghiwalay,”
anang dalaga. “Sana people just respect our privacy and siya rin po he’s a private person,” dagdag pa nito.
Samantala, may lumabas na balita, mula sa Inquirer.net, na engaged na raw sina Yassi at Jon last March bago nagkahiwalay.
Sinaksihan daw ang engagement ng dalawa ng kanilang mga kapamilya at malalapit na kaibigan. Kung ano ang nangyari at biglang naghiwalay ang dalawa, tanging sina Yassi at Jon ang nakakaalam.