MATABIL
ni John Fontanilla
BACK to work na si Kim Rodriguez after nitong magkasakit ng ilang araw dahil sa sunod-sunod na trabaho.
After nga kasi nitong mag-ober da bakod sa ABS-CBN nang matapos ang kontrata sa GMA 7 at napasama sa Darna at mag-click ang kanyang character bilang si Zandra, isa sa kontrabida, mas dumami pa ang trabaho nito at mas nakilala ‘di lang sa Pilipinas maging sa abroad.
At ngayon ay kasama si Kim sa pinag-uusapang teleserye sa hapon, ang Nag Aapoy na Damdamin na kakaibang Kim naman ang mapapanood along with Jane Oineza, Ria Atayde, JC De Vera, Tony Labrusca atbp..
Bukod nga sa nasabing teleserye ay abala rin ito sa mall, TV guestings, at out of town shows.