Thursday , March 12 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Isko Moreno Kuya Kim Atienza Susan Enriquez

Yorme Isko manhid na sa mga lait na ibinabato simula mag-host sa EB

MA at PA
ni Rommel Placente

SUMALANG si Isko Moreno, isa sa regular host ng revamped Eat Bulaga sa ‘Not Gonna Lie‘ segment ng Dapat Alam Mo!  na si Kim Atienza ang host. 

Isa sa mga natanong sa dating mayor ng Manila, kung nasasaktan ba siya sa mga nang-ookray at nangba-bash sa kanya sa pagiging isa niya sa host ng nasabing noontime show ng GMA 7?

Ang sagot ni Yorme ay ‘no,’ na kinompirma naman ng lie detector test dahil ‘true’ ang lumabas na sagot. 

Natatawang hirit ni Isko, “Manhid na, eh! Hahahaha!”

Paliwanag pa niya, naiintindihan niya ang mga manonood at loyal fans ng Eat Bulaga dahil nasanay at nakagawian na ng mga ito ang kanilang pinapanood sa loob ng mahigit apat na dekada.

Kaya ang kailangang makita ng mga televiewer sa bagong ‘Eat Bulaga,’ ‘yung mga bagong puwedeng maging magdulot ng kasiyahan at saka yung tulong,” aniya pa.

Ipinagdiinan din ni Yorme na mas nakatutok at naka-focus ngayon ang bagong Eat Bulaga sa  televiewers at hindi sa mga host nito tulad niya at nina Paolo Contis, Buboy Villar, Betong Sumaya, Glaiza de Castro, ang magkapatid na Cassy at Mavy Legaspi at iba pa.

Speaking of Kuya Kim, naglabas siya ng saloobin ukol sa pagdedeklara ng persona non grata sa drag queen na si Pura Luka Vega. Sunod-sunod ang mga balita at anunsiyo ng pagkakadeklara ng persona non grata kay Luka at ang huli nga ay ang deklarasyon ng Manila City Council.

Post ni Kuya Kim sa kanyang social media account, “Quiapo is the epicenter of Black Nazarene devotion. Kudos to [Manila] City Council which I was once a member of.”

Sa post na ito ni Kuya Kim, tinag niya ang kasalukuyang alkalde ng Maynila na si Dra. Honey Lacuna at si Isko.

Nag-ugat ang deklarasyon ng mga city council dahil sa contoversial drag art performance ni Pura, na nakabihis siya bilang si Hesus habang sumasayaw at kumakanta ng remix song ng Ama Namin.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Placente

Check Also

Angelika Santiago

Paggawa ng teleserye na-miss ni Angelika Santiago, mapapanood muli sa “Born to Shine”

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NALAMAN namin ang ilan sa mga pinagkakaabalahan lately ng Kapuso …

Tony Labrusca Yuki Sonoda Kelley Day All About Her

Tony Labrusca, happy na makatrabaho sina Yuki Sonoda at Kelley Day sa “All About Her”

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio IPINAHAYAG ni Tony Labrusca na masaya siya sa bago niyang …

Maya Maris Racal Julia Barretto

Julia at Maris ipinakita kung gaano kabilis mag-Loan sa Maya

KUNG napanood mo sina Julia Barretto at Maris Racal sa kasalukuyang Maya video na nagsasampalan ng pera, alam mo na kaya …

Ahtisa Manalo GMA7 Sparkle

Ahtisa Manalo pumirma na sa GMA

PUSH NA’YANni Ambet Nabus PUMIRMA na sa Sparkle Artist ng management contract si Ahtisa Manalo kayainaasahang hahakot ito ng viewers …

Jean Garcia

Jean Garcia kaagapay ng RDR Prod

PUSH NA’YANni Ambet Nabus INANUNSIYO ng RDR Productions, gumagawa ng mga film, socmed stories, at ilan pang …