SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio
SUNOD-SUNOD ang mga cryptic post ni Yassi Pressman sa kanyang Instagram kaya naman marami ang naintrigang mga Maritess lalo’t makatawag-pansin naman talaga iyon.
Tila pahiwatig ang mga post ni Yassi na hiwalay siya sa kanyang boyfriend na si Jon Semira.
Ibinahagi ni Yassi ang tattoo sa kanang tagiliran ng kanyang katawan na isang hummingbird. May caption itong, “It’s nice to be free like this hummingbird on me.”
At nitong Agosto 13, Sabado, isang quote naman na, “Not triple.not double.but SINGLE.”
May quote card din na may nakasulat na, “Be so proud of yourself for how you’re handling this year. You’ve fought so many silent battles, you had to humble yourself, wipe your own tears, pat yourself on the back. Be proud of yourself.”
Bukod sa mga post, kapansin-pansin din na hindi na pina-follow ng negosyanteng naka-BF na naka-base sa Canada ang IG account ni Yassi.
Dagdag din ang hindi pag-greet ni Yassi kay Jon na nag-birthday last July.