Sunday , January 11 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Itan Rosales at Tiffany Grey nagkailangan sa sexy scene

TAWANG-TAWA kami sa ibinuking ni Direk Roman Perez Jr ukol kina Itan Rosales at Tiffany Grey. Ito’y may kinalaman sa maseselang eksena ng dalawa sa bagong handog ng Vivamax, ang Kamadora na ii-stream simula Agosto 11.

Ani direk Roman, alumpihit kapwa sina Itan at Tiffany nang malamang may sexy sila.

Tinanong nila ako kung kailangan ba talaga ‘yung sexy scenes? Naiintindihan ko sila kasi ‘magkapatid’ sila sa management, kay Nanay Len Carillo.

“Nahirapan talaga ako na kumbinsihin sila lalo na itong si Ethan kasi nga bukod sa pareho sila ng management, ate-ate niya itong si Tiffany,” kuwento ni direk Roman.

Hindi naman ikinaila na talagang hiyang-hiya si Itan sa ginawa niya sa pelikula.

Hiyang-hiya po talaga ako sa ginawa ko. Naiilang talaga akong makipag-sex kasi ate-ate ko siya,” nangingiting nahihiyang katwiran ng binata.

Ginagampanan ni Itan ang isang estudyante na anak ng kasera na tinitirhan ni Tiffany kaya naman ate-ate rin siya ng binata sa pelikula.

Sa pelikula’y pinagnanasaan ni Itan si Tiffany, andyang bosohan, pagpantasyahan  hanggang tinuruan siya ng bidang aktres kung paano makipag-sex.

Kasama rin nina Tiffany at Itan sa pelikula sina Victor Relosa, Junjun Quintana, Armina Alegre, Angie Castrence at iba pa.

Ang pelikula ay ukol sa kuwento ng isang dalagang matututunang maging makasarili dahil sa kalupitan ng mundo.

Bata pa lang ay marami nang pinagdaanang hirap sa buhay si Ica (Tiffany). Sapilitang pinagawa ng mga ilegal na bagay, nagliligpit ng kalat ng iba, inqbuso ng mga lalaki. Naging palipat-lipat na rin ang tirahan ni Ica at ang pulis niyang boyfriend na si Roger (Junjun) ay nandyan para alalayan at bantayan siya. Kahit na mukhang maayos ang relasyon nila, may sikreto silang itinatago at gusto nang makawala ni Ica mula rito pero hindi pa niya magawa. 

Ang Kamadora ay pelikula ng Cult Director na si Roman Perez Jr.,

Sa madilim na nakaraan at pati na sa kasalukuyan ni Ica, may pag-asa pa ba para mapunta siya sa tamang daan? O patuloy siyang mapariwa at mapunta sa maling landas? Abangan ang Kamadora, streaming exclusively sa Vivamax simula sa August 11, 2023. (Maricris Valdez)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Andrew E

Andrew E dagsa ang fans, mamamahagi ng collectibles

HARD TALKni Pilar Mateo MAILALARAWAN ang master rapper of this era, Andrew E. bilang livin’ …

Encantadia Chronicles Sanggre

Encantadiks tuloy-tuloy ang panalo

RATED Rni Rommel Gonzales SOBRANG lakas ng Encantadia Chronicles: Sang’gre sa primetime. Base sa overnight NUTAM People …