Saturday , January 31 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Heaven Peralejo Marco Gallo The Ship Show

Heaven, Marco muling nagpakilig; husay sa pag-arte ibinandera

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

HINDI na talaga makukuwestiyon ang husay ni Heaven Peralejo dahil muli siyang nagpakitang-gilas at husay sa pinakabagong handog ng  Viva Films, ang The Ship Show na palabas na sa mga sinehan at bida rin si Marco Gallo.

Isa sa mga breakout love team ngayong 2023 ang MarVen na nagpakilig sa kanilang hit series na The Rain in España. Muli, nagbabalik sina Marco at Heaven kasama ng iba pa sa isang romantic-comedy movie na pinamahalaan ni Jason Paul Laxamana.

Ang The Ship Show ay tungkol sa 12 participants na hinati sa six pairings para sumali sa isang reality show at maging next big love team ng bansa. Ang pelikula’y maihahalintulad sa Pinoy Big Brothers na ginawang pelikula at teleserye ng totoong buhay.

Pumasok sina Marco at Heaven sa The Ship Show, ang unlikely pairing ng introvert na si Araw (Marco) at ng masayahing si Chia (Heaven),  kasama ang cheerful duo na sina Nestor (Tomas Rodriquez) at Tintin (Ashtine Olviga), ang sexy at oozing with confidence pair-up nina Ashley (PJ Rosario) at Belline (Angelic Guzman), ang mag-ex na si Buddy (Rabin Angeles) at Shey (Bianca Santos), ang music lovers na sina Elbrich (Migo Valid) at Marge (Janine Teñoso), at ang “brainy love team” nina Monti (Martin Venegas) at Amor (Madelaine Red).

May mga task din sila na kailangang mahuli ang kilig para makakuha sila ng mga boto ng mga shipper para malampasan ang lahat ng elimination round. At kagaya ng kahit anong kompetisyon, mas magiging mahirap ang bawat challenges sa pagpapatuloy ng show na susubok sa tibay ng lahat ng couples. 

May komedya, comedy, drama sa The Ship Show na lalong nagpamalas sa husay ni Heaven. Talagang aktres na nga ang pamangking ito ni Rica Peralejo at bagay na mabigyan ng mabibigat na drama project.

Pang-teens ang pelikula ni direk Jason Paul na light drama at feel good movie.

Ang The Ship Show ang first lead role nina Marco at Heaven bilang magka-love team na tiyak na ikakasaya at aabangan ng kanilang avid fans at supporters. Sina Tomas , Ashtine, PJ, Angelic, Rabin, Bianca, Migo, Janine, Martin, at Madelaine ang young cast na addition sa chemistry nina Marco at Heaven, at tiyak mag-aambag sa excitement, saya, at kilig sa istorya. 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Fifth Solomon Joseph Marco Rhen Esçan̈o

Direk Fifth aarte muli basta maganda ang proyekto  

MATABILni John Fontanilla HANDA pa ring umarte sa mga teleserye o pelikula  si direk Fifth Solomon. Matagal-tagal …

Alden Richards Nadine Lustre

Alden excited makatrabaho si Nadine 

MATABILni John Fontanilla MASAYA si Alden Richards na makakatrabaho si Nadine Lustre. Anang actor, isa si Nadine sa …

Ai Ai delas Alas Empoy Marquez

Ai Ai ayaw manira ng masayang pamilya

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez “AYAW kong manira ng masayang pamilya!” Ito ang iginiit ni Ai Ai delas …

Vic del Rosario Ricky del Rosario

Kapatid ni Boss Vic na si Ricky ngayong araw ang libing

I-FLEXni Jun Nardo PUMANAW na ang nakababatang kapatid ni Boss Vic del Rosario ng Viva Group of Companies na …

Rhian Ramos Michelle Dee Baro Alyas Totoy

Michelle nasa Iloilo nang maganap ‘pag-torture’ sa driver, Kampo  ni Rhian iginiit walang illegal detention

I-FLEXni Jun Nardo MAAGAP na naglabas ng panig ang legal counsel nina Rhian Ramos at Michelle Dee sa umano’y …