MA at PA
ni Rommel Placente
KAHIT may boyfriend na si Barbie Forteza sa katauhan ni Jak Roberto ay tinanggap pa rin ng mga fan ang tambalang Barbie at David Licauco (BarDa), na nagsimula sa defunct series ng GMA 7 na Maria Clara at Ibarra.
Click ang loveteam na BarDa. Maraming fan ang sumusuporta sa kanila. Na ‘yung iba, ang gusto ay makipaghiwalay na si Barbie kay Jak.
At ang reaksiyon naman dito ni David sa isang interview sa kanya ay, “I think we all have to respect ‘yung personal lives namin. Siyempre mahal niya si Jak Roberto, mayroon silang relationship before our loveteam, so we have to respect that.”
Pero aniya, naiintindihan naman niya ang mga fan nila ni Barbie.
“Pero siyempre maiintindihan mo rin naman ‘yung fans standpoint. Hindi natin sila masisisi kung pinu-push nila kami, kasi iyon ang happiness nila, and I think we also have to respect that,” dagdag pa niya.
“Happy naman kaming nagpapasaya, pero pinaka-ayoko lang naman ‘yung bina-bash si Jak.
“Nakikita ko ‘yung mga hate, although I truly appreciate the support talaga and ‘yon na nga, sabi ko, happiness nila ‘yon. Wala naman akong magagawa roon at saka gusto ko masaya sila, pero spread positivity na lang siguro,” aniya pa.