Monday , December 29 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Noli de Castro Maine Mendoza Arjo Atayde

Kabayan pinagso-sorry sa ArMaine

MA at PA
ni Rommel Placente

NAG-VIRAL at trending pa sa social media ang naging hirit ng beteranong news anchor na si Noli de Castro sa  closing spiels niya sa TV Patrol noong July 28, tungkol sa pagpapakasal nina Maine Mendoza at Arjo Atayde habang nananalasa ang bagyong Egay sa Baguio City.

Kayo habang ikinakasal, kawawa naman ‘yung mga binabagyo,” ang comment ni Noli.

Kaliwa’t kanang batikos ang inabot ni Kabayan nang dahil dito. Wala raw sa lugar ang naging pahayag ng broadcaster kaya sana raw ay mag-sorry ito kina Arjo at Maine at sa publiko.

Nang makarating din ito kay Joey de Leon, na isa sa ninong sa kasal nina Arjo at  Maine, ay sinupalpal nito si Noli.

Nag-post ang TV host-comedian sa social media platform na X, ang tawag ngayon sa dating Twitter, tungkol sa mga umeepal na nagsabing hindi raw dapat nagpakasal sina Maine at Arjo sa kasagsagan ng bagyong Egay.

Mababasa sa X post ni Joey kalakip ang wedding photo ng ArMaine ang mga katagang, “Sa mga kababayan nating ume-epal na hindi raw dapat nagpakasal ang dalawang ito dahil binabagyo raw ang bayan, eto lang ang masasabi ko—naunang nagplano sina Menggay kaysa kay Egay!

“Wala silang kasalanan kundi ang unang limang letra ng ‘kasalanan’—KASAL!” ang hirit pa ni Joey.

Bukod dito, nagsalita rin ang movie icon sa programa nilang E.A.T. sa TV5 habang nagbibigay ng congratulatory message sina Vic Sotto at Tito Sotto kinaMaine at Arjo.

Mayroong mas malala kay Egay, ‘yung epal, kaya mag-ingat kayo,” ang tila pagbabanta pa ni Joey.

Walang binanggit na pangalan si Joey sa kanyang social media post at sa E.A. T, pero naniniwala ang mga netizen na para kay Noli talaga ang mga patutsada niya.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Placente

Check Also

Heart Evangelista Batha Thalassemia

Heart nagbahagi ng Christmas cheer sa Thalassemia patient 

ILANG taon nang tradisyon ni Heart Evangelista na kasama ang Batha Thalassemia Family niya. Simpleng dasal at kasiyahan ang …

Angelica Panganiban Jeffrey Jeturian Unmarry

UnMarry informative at entertaining  

I-FLEXni Jun Nardo GOOD choice ang film festival entry na UnMarry para sa grand kambak (comeback) ni Angelica …

Shake Rattle and Roll SSR Evil Origins

SRR: Evil Origins walang tapon sa 3 episodes

ni Allan Sancon STAR studded at tunay na engrande ang Red Carpet Premiere ng Shake, Rattle …

SRR Origins

SRR: Evil Origins tagumpay sa pananakot; mga eksena makapigil-hininga

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez SINUPORTAHAN ng kani-kanilang pamilya ang mga bidang sina Richard Gutierrez at Ivana Alawi sa premiere …

Unmarry cast

Zanjoe pang-best actor ang galing; Zac agaw-eksena sa UnMarry

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez NANGINGILID na ang luha ni Angelica Panganiban bago pa man magsimula ang screening …