Saturday , December 20 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Dawn Zulueta Anton Lagdameo

Dawn at Anton spotted magkasamang dumalo sa isang event

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

NAGLABAS agad ng resibo si Dawn Zulueta sa pagbabalik nito ng Pilipinas para siguro’y matigil na ang mga nabalitang hiwalay na sila ng asawang si Special Assistant to the President (SAP) na si Anton Lagdameo.

Tama ang nasulat kamakailan ng isa sa kolumnista ng Hataw na si Kuya Ed de Leon na agad magsasalita si Dawn kung may katotohanan ang mga lumabas na balitang hiwalay na nga sa asawang si Anton. Kaya nawala at lumipad patungong Amerika ang aktres ay para samahan ang anak na nakakuha ng scholarship sa ballet, si Ayisha. At nakatakda muling umalis ang aktres ngayong Agosto patungong US para ienrol naman sa kolehiyo ang anak na siJacobo.

Ang resibong tinutukoy namin ay nang dumalo sa isang art exhibit ang mag-asawa na nagpakuha sila ng litrato at agad ipinost ng aktres sa kanyang social media. May caption iyong, “So happy to be back home with my husband, our family, and ear friends! (emojis clapping hands) to @joannapreyslermanila & @raulsfrancisco for another successful art exhibit of @markrochapadernal’s beautiful portraits entitled UNGUARDED @flagdameo & I love how Mark wonderfully captured the blissful expression of our first portrait together that Joanna entitled HOME AT LAST, perfectly marking our more than 25 years of marriage.

Thank yuou, Jo, for making this happen! You were brilliantly with it every step of the way. I’m so glad I listened to you #Unguarded #HomeAtLast #MarkRochaPadernal #provenanceartgallery.”

Ngayong nakitang magkasama ang mag-asawang Dawn at Anton na sweet pa rin, siguro naman ay matitigil na ang nagkakalat ng tsismis na hiwalay na ang dalawa.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Zaijian Jaranilla Earl Amaba Krystel Go Im Perfect

Zaijian nahirapan noong una: pero nang nakita ko ‘yung eksena sobrang magical

RATED Rni Rommel Gonzales MAHUSAY na aktor pero aminado si Zaijian Jaranilla na nahirapan siya sa papel …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

Sylvia Sanchez Im Perfect MMFF

Sylvia laban o bawi ang I’m Perfect

RATED Rni Rommel Gonzales MGA “anghel sa buhay namin” ang tawag ni Sylvia Sanchez sa mga cast …

Innervoices Aliw Awards

Innervoices Best Group Performer in Hotels, Music Lounges and Bars sa 38th Aliw Awards

RATED Rni Rommel Gonzales “MEN in white” barong ang peg ng paborito naming Filipino all-male …

Maya Twinyonaryo

Maya sa Twinyonaryo ng paghiram, paggastos 

NGAYONG Kapaskuhan, mas sulit ang bawat gastos mo lalo kung may chance manalo ng malaki …