Monday , December 29 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Ivana Alawi

Ivana pinagmalditahan ng ilang artista sa GMA

MA at PA
ni Rommel Placente

NAKATUTUWA naman si Barbie Forteza, puring-puri siya ng mga nakakatrabaho niya. Sa kabila ng kanyang kasikatan ay hindi pa rin siya nagbabago.

Isa sa mga pumupuri sa kanya ay ang Kapamilya actress na si Ivana Alawi.

Sa Q & A vlog ni Ivana, tinanong ang Kapamilya actress kung sino sa mga GMA artist ang pinaka-naging nice niyang nakatrabaho. Ang sagot nito, si Barbie Forteza.

Sabi ni Ivana, “Maraming nagmamaldita sa ’kin noong nag-i-start ako sa GMA, as in maraming masusungit. Ayaw tayong bigyan ng puwesto, ayaw kaming bigyan ng pagkain tapos sinusungitan kaming mag-ina.

“Basta marami. And then ang pinaka-naging mabait sa akin na hindi ko makakalimutan, hindi ko pa siya nakakausap after, pero si Barbie Forteza.”

Nakarating kay Barbie ang papuri ni Ivana sa kanya. At nagpasalamat ang una sa huli na idinaan niya sa pamamagitan ng kanyang social media account.

Grabe naman to. Maraming salamat, @IvanaAlawi so happy for all your success. Ingat kayo ni Mona. Hi po tita!” sey ni Barbie.

Maging ang direktor at komedyanteng si John Lapus ay saksi sa pagiging mabait at mabuting tao ni Barbie.

Sa pamamagitan ng kanyang Twitter account ay ibinandera niya ang kabaitan ng dalaga.

Post ni John sa minsang encounter nila ni Barbie, “Mabait talaga si @dealwithBARBIE minsan nilapitan pa nya ako sa sinehan para lang mag hello at ipakilala si Jack to think na magkalayo kami ng upuan.”

Matapos mabasa ang papuri sa kanya ni John  ay agad namang nagpasalamat ang aktres.

Maraming salamat po, Direk @KorekKaJohn [Sweet]. sana po magkawork po tayo ulit,” sey ni Barbie.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Placente

Check Also

Heart Evangelista Batha Thalassemia

Heart nagbahagi ng Christmas cheer sa Thalassemia patient 

ILANG taon nang tradisyon ni Heart Evangelista na kasama ang Batha Thalassemia Family niya. Simpleng dasal at kasiyahan ang …

Angelica Panganiban Jeffrey Jeturian Unmarry

UnMarry informative at entertaining  

I-FLEXni Jun Nardo GOOD choice ang film festival entry na UnMarry para sa grand kambak (comeback) ni Angelica …

Shake Rattle and Roll SSR Evil Origins

SRR: Evil Origins walang tapon sa 3 episodes

ni Allan Sancon STAR studded at tunay na engrande ang Red Carpet Premiere ng Shake, Rattle …

SRR Origins

SRR: Evil Origins tagumpay sa pananakot; mga eksena makapigil-hininga

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez SINUPORTAHAN ng kani-kanilang pamilya ang mga bidang sina Richard Gutierrez at Ivana Alawi sa premiere …

Unmarry cast

Zanjoe pang-best actor ang galing; Zac agaw-eksena sa UnMarry

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez NANGINGILID na ang luha ni Angelica Panganiban bago pa man magsimula ang screening …