MATABIL
ni John Fontanilla
NAPLASTIKAN ang mga netizen sa pagpi-flex sa social media habang hawak-hawak ang dalawang baso ng fish ball ni Heart Evangelista.
Ipinost kamakailan ng aktres sa kanyang Instagram, @iamhearte ang larawan habang hawak-hawak ang dalawang plastic na baso na naglalaman ng fish ball at may caption na, “Tusok tusok the fishballs.”
Kuha ang nasabing litrato kasama ang kanyang asawang si Sen. Chiz Escudero na bumili ng fishball sa Rempeolas, Sorsogon.
Kaya naman ang larawang ipinost nito ay umani ng iba’t ibang reaksiyon sa netizens at ilan dito ang sumusunod.
“Kinain niya ba talaga? Parang pang picture purposes po eh.”
Dinepensahan naman si Heart ng fans na sinabing matagal nang kumakain ng fishball ang aktres.
“Hindi porke mayaman si Heart hindi na siya kakain ng tigpipiso.”
“Kinain ba????”
“Tanda ko ASAP days pa kumakain sila nyan sa labas.”
“Nagpic lang nmn.”
“Hahahahah walang pic na kinain ang fishballs. So it didn’t happen.”
“Take all the pics you want sa fishball I want one pic na kinain nga ba.”