Monday , December 23 2024
Arrest Posas Handcuff

Wanted sa rape
KILABOT NA MANYAKIS NASAKOTE

NAGWAKAS ang maliligayang araw ng isang pinaniniwalaang kilabot na rapist nang matunton ng mga awtoridad ang kanyang pinagtataguan hanggang tuluyang madakip sa lungsod ng San Jose del Monte, lalawigan ng Bulacan, nitong Linggo, 30 Hulyo.

Sa ulat na ipinadala kay P/Col. Relly Arnedo, Provincial Director ng Bulacan PPO, kinilala ang suspek na si Alan Apolo, isang welder.

Nakatala si Apolo bilang rank #1 city level most wanted person (MWP) sa San Jose del Monte. Naaresto siya ng mga tauhan ng San Jose del Monte CPS habang nagtatago sa Brgy. Gaya-Gaya.

Pinaghahanap si Apolo ng batas dahil sa tatlong bilang ng kasong qualified statutory rape, batay sa warrant of arrest na inilabas ng San Jose del Monte RTC Br. 5 FC.

Matapos sampahan ng kaso, nabatid na nagpakatago-tago at nagpalipat-lipat ng tirahan si Apolo ngunit sa masusing pagmamatyag ng pulisya ng lungsod ay nagresulta ito sa kanyang pagkakaaresto.

Dahil sa bigat ng kasong kinakaharap, walang inirekomendang piyansa ang korte para sa pansamantalayang Kalayaan ng akusado na ngayon ay nasa custodial facility ng San Jose del Monte CPS. (MICKA BAUTISTA)

About Micka Bautista

Check Also

Muntinlupa

Sa ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag
MUNTINLUPA NAGDIWANG SA DIWA NG TUNAY NA PUSO NG MAMAMAYAN

IPINAGDIWANG ng Lungsod ng Muntinlupa ang ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag na isa sa mahalagang okasyon …

122024 Hataw Frontpage

DSWD relief goods inire-repack  
MALABON SOLON, ASAWA, 1 PA INASUNTO SA OMBUDSMAN

HATAW News Team INIREKLAMO sa Office of the Ombudsman sa kasong Qualified Theft at paglabag …

Chavit, umaariba sa poll ratings

HATAW News Team SA PAG-AKYAT ng kanyang grado mula 14.71% hanggang sa 26%, tila naging …

Barasoain Malolos Bulacan

Pamanang kultural ibinida ng Bulacan sa PH Experience Program ng DOT

IPINAGMAMALAKI ang mayaman at makulay na kultura ng Bulacan, ibinida ng mga Bulakenyo ang pamanang …

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

KASUNOD ng inspeksiyon ni PNP Chief P/Gen. Rommel Francisco Marbil sa mga tindahan ng mga …