Friday , November 15 2024
Benguet Landslide flood

Kongresista nanawagan ng tulong ‘NAWAWASAK’ NA BENGUET INILANTAD NG BAGYONG EGAY  

072723 Hataw Frontpage

ni Gerry Baldo

NANAWAGAN si Benguet Rep. Eric Yap sa pamahalaang Marcos na tulungan ang probinsiya ng Benguet at mga karatig lalawigan dahil sa grabeng pinsalang naramdaman sa pagdating ng bagyong Egay.

Ayon kay Yap, kailangan ang agarang tulong dahil sa malawakang pinsala sa buong lalawigan ng Benguet na inilantad ng bagyong Egay.

“Unofficial reports of casualties and missing individuals and millions of pesos worth of damaged properties — ito ang lagay ngayon sa Benguet. We are still verifying the extent of the damage, but we have unofficial reports from the ground that there are casualties and missing individuals. We are actively coordinating with our LGUs to record the families affected so we could extend assistance and to document the roads in need of rehabilitation so we could implement necessary measures,” ulat ni  Yap.

         “We call to our national government for assistance, the Benguet Province is in dire need of help. In fact, marami pa rin sa ating kakailyan ang hindi nakababangon mula sa mga nagdaang unos, dagdag na naman ito. We need forces for intensified operations for disaster rescue and relief. Many of our significant passageways in the province remain impassable as of the moment, obstructing emergency response and impeding the livelihood of hundreds of families in our province. Salamat sa ating LGUs at mga residente na sama-samang umaaksiyon sa clearing ops,” aniya.

“Matinding pagbaha sa iba’t ibang lugar, kabi-kabilang landslides, pagkasira ng mga daan at kabuhayan — kada bagyo, ganito na ang nararanasan natin sa Benguet. Hindi na bago ito, habang tumatagal ay mas lumalala pa nga. Parehong mahalaga ang pagkakaroon ng short-term na immediate relief sa ating mga kakailyan na apektado at long-term na infrastructure and systemic development. It is imperative that we execute extensive measures (1) for preparation, prevention and mitigation before, (2) for quick emergency response during, and (3) for recovery and reconstruction after the typhoon or any other disaster,” ayon kay Yap.

         Bukod sa panawagan ni Yap, dumaraing ang maraming kakailyan,dahil napapansin lamang ang pinsala sa kapaligiran ng Benguet tuwing may dumarating na Baguio.

Ayon sa  isang strawberry farmer, “ang mga minahan sa Benguet ay mula sa malalaking kompanya hanggang sa maliliit na minerong walang ibang hanapbuhay  kundi ang magmina — at ang industriyang ito kung hindi regular na nababantayan ay pangunahing sumisira sa lalawigan ng Benguet.”

Ilang turista rin ang nagsasabing habang tumatagal ay hindi na proportion ang urban planning sa Summer Capital of the Philippines gaya ng pagdami ng mga estruktura, pagdami ng sasakyan, at hindi maayos na trapiko tuwing weekend o sa mga araw na maraming turista ang dumarayo.

Binigyan diin ng ilang turista, panahon na para ayusin ang Benguet lalo ang Baguio City dahil kung hindi tuluyan itong lalamunin ng mga gumuguhong bundok sa kapaligiran.

About Gerry Baldo

Check Also

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

COMELEC Vote Election

Erice naghain ng supplemental Motion para tuluyang ibasura kontrata ng Comelec–MIRU

NAGHAIN ng supplemental motion sa Korte Suprema si dating Caloocan City congressman Egay Erice para …

Principal

PH public schools kapos sa principal

BINIGYANG-DIIN ni Senador Win Gatchalian ang kahalagahang mapunan ang pagkukulang ng mga punong-guro sa mga …

AMLC

Bigtime money launderer dapat arestohin ng AMLC

UMAPELA si Senate Minority Floor Leader Aquilino “Koko” Pimentel III na palakasin ng Anti-Money Laundering …

Scam fraud Money

Nagpanggap na kaniyang pamangkin, Babae sa Tarlac tiklo sa online love scam

NADAKIP ng mga awtoridad ang isang babaeng kinilalang si alyas “Tita” matapos magpanggap na kaniyang …