I-FLEX
ni Jun Nardo
NAGING pasaway ang isang nang maimbitahan sa GMA Gala Night.
Hindi sumunod sa konsepto ng gala night ang influencer. Sa halip na formal at elegante ng suot, aba, parang nagsuot lang siya ng sando na kita ang kili-kili, huh.
Naku, what else is new sa ilang influencers? Feeling entitled din ang mga ito na porke milyones ang followers sa socmed ay sikat na sikat na sila gaya ng maraming artista, huh!
Pero kapag binigyan mo naman ng project sa TV o sa movie, naku, banong-bano kung umarte at puro awra lang ang alam gawin.
At it doesn’t follow na kapag sikat kang influencers ay kikita ang movie o magri-rate ang TV show na kinabibilangan, huh.
Kapag nasa showbiz ang isang tao, talent pa rin ang kailangang pagbutihin para magtagal sa larangang ito, huh.