Saturday , December 21 2024

PLM president  ‘tinimbang’ ngunit kulang

Isumbong mo
kay DRAGON LADY
ni Amor Virata

BINALEWALA o ipinawalang bisa na ng Civil Service Commission (CSC) ang appointment ni Emmanuel Leyco bilang Pangulo ng Pamantasan ng Lungsod ng Maynila (PLM).

Sa walong-pahinang desisyon, nakasaad na hindi kalipikado o hindi sapat ang “educational requirements” ni Leyco para maging PLM President.

Tinukoy ng CSC sa kanilang desisyon base sa isinasaad ng 1997 Revised Qualification Standards Manual para sa isang state university president ay kinakailangan ng sapat na Doctoral Degree at limang taong karanasan sa isang posisyon na may kinalaman sa pamamahala at pangangasiwa sa edukasyon na pawang hindi taglay na katangian ni Leyco para manungkulan bilang presidente ng PLM.

Pirmado nina CSC Chairperson Alicia dela Rosa-Bala at CSC Commissioner Atty. Aileen Lourdes Lizada ang desisyon vs. Leyco na ibinabasura ang Petition to Review na kanyang isinumite  kaugnay sa naging desisyon ng CSC-National Capital Region noong 13 Febrero 2020.

Base sa rekord, si Leyco ay naitalaga sa PLM noong nakalipas na 1 Hulyo 2019 bilang miyembro ng Board of Regents ng PLM sa loob ng anim na taon.

Ngunit noong 10 Hulyo 2019, inihalal ng PLM-BOR si Leyco bilang PLM President, pero noong 20 Febrero 2020 ang pagkahalal kay Leyco ay ipinawalang bisa ng CSC-NCR sa kadahilanang wala Doctorate Degree si Leyco bilang isa sa educational requirement para maging PLM President.

Bagama’t nagsumite ng kanyang Petition for Review si Leyco, ibinasura ito ng CSC.

Noong 28 Enero 2022 ay dinismis ang nasabing petisyon para pananindigan ng CSC ang naunang desisyon na hindi kalipikado si Leyco bilang PLM President.

Ayon sa CSC, sakop ng 1997 Revised Qualification Standards Manual ang PLM dahil isinailalim na ng Commission on Higher Education (CHED) sa kategoryang local university dahil ang pondo ng PLM ay mula sa pamahalaang lokal ng Maynila.

Kung hindi kalipikado si Leyco, sino ang nakapirma sa diploma ng mga grumadweyt na mga estudyante? Tiyak maaapektohan ang mga nagsitapos kung si Leyco ang nakapirma.

President Leyco, unsolicited advice lang po, mag-graceful exit na kayo.

About Amor Virata

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …