I-FLEX
ni Jun Nardo
NAKAKAPANIBAGO ang character ni Julie Anne San Jose sa GMA Pictures movie na The Cheating Game.
Graduate na ang pa-cute days ni Julie Anne. Kasi nga, sumabak na rin siya sa mainit na kissing scenes with co-stars Rayver Cruz at Martin del Rosario.
More matured and daring roles lalo na’t magaling umarte ang kapareha niyang sina Rayver at Martin kaya hindi siya dapat magpatalbog huh.
‘Yung mga fan ng Asias Limitless Star, huwag manibago sa character niya sa pelikula.