Saturday , December 20 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
VMX V VMX Bellas

Sean de Guzman humataw pa rin kahit may sakit

KAHANGA-HANGA ang pagka-propesyonal ni Sean de Guzman na bagamat hindi maganda ang pakiramdam, humataw at hindi niya binigo ang mga nagtungo sa Viva Cafe noong Linggo ng gabi para mapanood ang kanyang pagpe-perform.

Si Sean ay kasama sa grupong VMX V na binubuo nina Marco Gomez, Mon Mendoza, Calvin Reyes, at Itan Rosales, na bago matapos ang ilang performances ng grupo ay sumali na ang nagwaging New Movie Actor of the Year sa katatapos na 38th PMPC Star Awards for Movies.

Hataw kung hataw sina Sean, Marco, Itan, Mon, at Calvin kaya naman napuno ng tilian ang cafe noong gabing iyon. Nakadagdag pa ang pagkuha nila ng mga audience na nakipag-participate sa kanilang palaro na ang nagwagi ay ang veteran writer na si Tita Mercy Lejarde

Hindi lang talaga sa pagpapaseksi hahangaan sina Sean, Marco, Mon, at  Itan dahil talagang may talent sila sa pagkanta at pagsayaw kaya naman masisiyahan ang sinumang manonood sa kanilang performance sa Viva Cafe. Panalo talaga ang male sing and dance boy group na ito ng 3:16 Talent Management  ni Len Carillo.  

At kung may boys na nagpapatili sa mga beki at ladies, hindi rin papatalo ang VMX Bellas na pinangungunahan ni Quinn Carillo na nagwagi naman bilang New Movie Actress of the Year sa 38th PMPC Star Awards for Movieskamakailan. Kasama niya rito ang mga nagseseksihan at naggagandahang sina Denise Esteban, Angelica Cervantes, Hershie de Leon, at Rayah Minoza.

Ilang beses ko nang napanood ang VMX Bellas at last Sunday, lalo silang gumaling sa kanilang performances. At tulad ng VMX V aliw ang mga sayaw at kantang ibinahagi nila na tiyak ikabubuhay ng mga dugo ng mga lalaking manonood. (MValdez)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Zaijian Jaranilla Earl Amaba Krystel Go Im Perfect

Zaijian nahirapan noong una: pero nang nakita ko ‘yung eksena sobrang magical

RATED Rni Rommel Gonzales MAHUSAY na aktor pero aminado si Zaijian Jaranilla na nahirapan siya sa papel …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

Sylvia Sanchez Im Perfect MMFF

Sylvia laban o bawi ang I’m Perfect

RATED Rni Rommel Gonzales MGA “anghel sa buhay namin” ang tawag ni Sylvia Sanchez sa mga cast …

Innervoices Aliw Awards

Innervoices Best Group Performer in Hotels, Music Lounges and Bars sa 38th Aliw Awards

RATED Rni Rommel Gonzales “MEN in white” barong ang peg ng paborito naming Filipino all-male …

Maya Twinyonaryo

Maya sa Twinyonaryo ng paghiram, paggastos 

NGAYONG Kapaskuhan, mas sulit ang bawat gastos mo lalo kung may chance manalo ng malaki …