Monday , April 14 2025
Whoopi Goldberg Jo Koy Here Lies Love

Whoopi at Jo Koy bumilib sa Here Lies Love 

I-FLEX
ni Jun Nardo

BUMILIB din ang mga  foreign comedienne na si Whoopi Goldberg at si Jo Koy nang mapanood ang Broadway musical na Here Lies Love.

Nagkuwento nga sina Whoopi at Jo Koy sa ACB Network talk show na The View nang mag-guest sila kamakailan.

Sabi ng star ng movie na Sister Act nang mapanood sa preview ang HLL“I just saw ‘Here Lies Love’ on Tuesday night (July 18, 2023). Not only I was blown away by what they did with the theater but I forgot a lot of history, and it’s extraordinary!” pahayag ni Whoopi.

Isang immersive disco musical ang HLL na ang music at lyrics ay gawa ni David Byrne na mula sa sikat na new wave na bandang Talking Heads at music na likha ni FatBoy Slim.

Pasabog din ang stage na dahil mayroong catwalk, satellite stages, 360-degree lighting, at video screen. May option ang audience na manood nang nakaupo o nakatayo, huh.

Lahat ng cast members ay Pinoy na pinangungunahan nina Arille Jacobs, Conrad Ricamora, Jose Llana, at Lea Salonga.

Sabi ni Jo Koy (Joseph Glenn Herbert, Sr. ang real name), naaalala niya ang panahon ng Pangulong Ferdinand Marcos, Sr. dahil nakatira siya that time sa bansa at military ang tatay niya.

Dahil alam niya ang People Power, “The People finally stepped up. They did iy very nicely . It was successful!”

Ayon kina Whoopi at Jo Koy, bahagi rin ng kasaysayan ng Amerika ang 1986 People Power. Sabi ni Whoopi, ang Here Lies Love ay may mahalagang paalala. “How the evolution of that family evolving into something horrific. I forgot. We forget our history.”

Para sa dagdag na impormasyon sa Here Lies Love, log on sa herelieslovebroadway.com at follow sa herelieslove bway sa FB, Instagram, You Tube, at Tiktok.

Ito ang play na naging viral ang video ni Lea kausap ang fans na pumasok sa kanyang dressing room.

About Jun Nardo

Check Also

Pilita Corrales

Pilita Corrales pumanaw sa edad 85

KINOMPIRMA ng pamilya ng Asia’s Queen of Songs na pumanaw na ang veteran singer-actress na …

Nick Vera Perez

Nick Vera Perez muling uuwi ng ‘Pinas para sa promosyon ng all new OPM album

IPO-PROMOTE ni Nick Vera Perez ang ika-apat niyang album na all-original at all-new OPM ngayong Mayo 2025. …

MayMay Entrara

Maymay emosyonal, ina 2 taon nang nakikipaglaban sa cancer

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez INAMIN ng aktres/singer na si MayMay Entrara na hindi naging madali sa kanya …

Queenie de Mesa

Queenie de Mesa, palaban sa pagpapa-sexy sa pelikula

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio BUO ang loob at palaban sa kanyang pinasok na career …

Gela Atayde Time To Dance

Gela ikinatuwa pagbibigay halaga sa mga dancer

RATED Rni Rommel Gonzales GRAND finals na ngayong Sabado, April 12 ng Time To Dance, ang dance …