Sunday , January 11 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Cristine Reyes Marco Gumabao Ara Mina Mommy Klenk

Ara  boto kay Marco; Mommy Klenk, ayaw muna pakasal si Cristine

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

TUWANG-TUWANG si Ara Mina na finally ay nagkita na sila ni Marco Gumabao at ito’y nangyari sa special screening and mediacon ng Minsan Pa Nating Hagkan ang Nakaraan na pinagbibidahan ng kanyang kapatid na si Cristine, Marco, at Cesar Montano.

Bago ang pagrampa nila sa red carpet at bago magsimula ang screening, nakausap muna namin si Ara at doo’y nagkita-kita sila nina Cristine at Marco. 

Ani Ara habang kausap sina Cristine at Marco, “sinabi niya sa akin na idine-date ka na niya,” na napaisip si Cristine at sinabing, “sinabi ko bang idine-date?” at binawi ni Ara at sinabing, “hindi-hindi exactly idine-date, lumalabas kami, pero parang, ewan ko.”

Sinabi pa ni Ara na magkakilala na sila noon pa man ni Marco at ito’y noong 14th birthday pa niya na hindi pa magkakilala sina Cristine at ang aktor. 

At nang malaman ni Ara na nagliligawan na ang dalawa, ang reaksiyon nito, “may idea na ako na lumalabas sila kasi nagsabi na siya (Cristine) ng, ‘friends kami pero lagi kaming lumalabas.”

Nasabi pa ni Ara na nabasa na lang niya na may relasyon na ang kapatid niya kay Marco.  “I’m sure naman na hindi rin alam ni Cristine na nag-post si Marco (sa social media nito).” At kinompirma nga ito ni Cristine at sinabing nagulat siya sa ginawang pagpo-post ni Marco ukol sa kanilang relasyon. 

Hinangaan ni Ara ang ginawang pagpo-post ni Marco. “Siyempre maganda na nauuna ang lalaki na magsabi ‘di ba? At parang first time na nauna ang lalaking umamin. Talagang na-surprise siya.”

At dito’y sinabi ni Cristine na sobrang happy siya sa ginawang iyon ni Marco. “Very happy.” Na sinundan ni Marco ng pagsasabing, “super happy ako.”

Sinabi pa ni Ara na kinikilig siya sa dalawa. “Mabait itong si Marco.” At humarap kay Marco at sinabing, “Basta be happy, pagpasensyahan mo na itong kapatid ko kapag may mga sumpong ha.

“At alam mo itong kapatid ko kahit hindi naka-smile makikita mo ang dimple nito, ibig sabihin super happy siya, nakita ko talaga iyon sa kanya,” sabi pa ni Ara.

Pahabol pa ni Ara, “at dahil lagi siyang naka-smile eh, di maganda, masaya.” At nagpasalamat siya kay Marco.

At least nakita ninyo pati mata niya nakangiti ‘di ba?” tsika pa ni Ara. 

Sinabi pa ng aktres na hindi pa naipakikilala ni Cristine si Marco sa iba nilang mga kapatid. “Sa Mommy ko pa lang at sa akin niya naipapakilala,” at biglang tawag sa kanilang ina at tinanong kung happy siya para kay Cristine.

Sagot ng kanilang ina, “Happy. Basta kung saan siya masaya. Basta mahalin niya ang anak ko okey na sa akin.

“Kaya lang siyempre kapag bago sweet pa, hindi natin masabi. 

“Pero sa nakikita ko ngayon, okey sila pero saka natin malalaman. Para siyang alive, mababakas mo sa mukha niya na happy siya at lahat naman ng magulang gustong makita na masaya ang anak,” sabi pa ni Mommy Klenk.

Nang tanungin kung payag si Mommy Klenk na pakasal si Cristine kay Marco, “Hindi, hindi na, live in na lang muna. Kapag matagal na, kapag na-realize na sila talaga, at saka sila magpakasal. Sa ngayon ‘wag muna, mahirap ang pabigla-bigla.”

Maging si Ara ay hindi pa kompormeng magpakasal ang kapatid. “Take your time, mararamdaman nila ‘yan.”

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Andrew E

Andrew E dagsa ang fans, mamamahagi ng collectibles

HARD TALKni Pilar Mateo MAILALARAWAN ang master rapper of this era, Andrew E. bilang livin’ …

Encantadia Chronicles Sanggre

Encantadiks tuloy-tuloy ang panalo

RATED Rni Rommel Gonzales SOBRANG lakas ng Encantadia Chronicles: Sang’gre sa primetime. Base sa overnight NUTAM People …