Thursday , May 15 2025
Isko Moreno TVJ Eat Bulaga

Yorme Isko sa tapatan ng Eat Bulaga at TVJ — Okey magkompetensiya ‘wag lang magsiraan

MA at PA
ni Rommel Placente

SA guesting ni Isko Moreno sa Updated with Nelson Canlas podcast na lumabas din noong Huwebes, tinanong siya ni Nelson Canlas kung nagpatay din ba siya ng cellphone o gadgets noong unang pagpasok niya sa noontime show na Eat Bulaga, na dating hinu-host nina Tito Sotto, Vic Sotto, Joey de Leon, Allan K, Maine Mendoza, Alden Richards, Jose Manalo, Wally Bayola, Ryan Agoncillo, at Paolo Ballesteteros. 

Ito raw kasi ang ginawa ni Paolo Contis at iba pang bagong hosts ng Eat Bulaga,na  isang linggong hindi nag-social media dahil sa bashing.

Ayon kay Isko, hindi niya iyon ginawa. “This is democracy. And I don’t wish ill things about others,” sabi niya.

Patuloy pa niya, “Again and again, as you can see last July 1, we even congratulated TVJ for having a home in giving opportunity to others.

“And now mas maganda ang noontime show ng ating mga Kapuso or ng ating mga kababayan for that matter dala ng marami na silang choices, parang buffet na.”

Ayon kay Isko, maganda ang healthy competition dahil ang panalo rito ay ang viewers.

Hindi sila nagwi-wish ng masama sa kakompitensiya nila.

So more competition, healthy competition. And we don’t wish for somebody to fail, like you shut down, you close down, I don’t like that.

“You know, If I may share to you and to your viewers, you know, pansinin mo, ha, I don’t know kung ako lang ito, pero feeling ko marami nang nakapansin nito, why Korea?

“I can honestly say that Korea, next to Bollywood, competing with Hollywood, and Korean TV and movies, culture, are being introduced to the world.

“And in fact, Koreans or K-Pop gains so much economic growth to the country.

“Maybe, ito lang assumption ko, maybe they support each other, maybe they compete among each other but they don’t wish for others to fail, defeated, because nag-grow ‘yung television industry, movie industry.

“BTS alone gave 5 billion dollars every year to the Korean economy.

“So, ibig sabihin, in our case, going back to our country as Filipino, movies and TV, the least thing that we can do is to compete but not to inculcate hate,” anang pa ng daddy ni Joaquin Domagoso.

About Rommel Placente

Check Also

EastEest Puregold 1M Cash Credit Promo

East West Bank inanunsiyo wagi ng P1-M sa EW-Puregold Cash Credit Promo 

MAY nanalo na! Opisyal nang inanunsiyo ng EastWest Bank, kasama ang Puregold, ang mga suwerteng …

Jeric Gonzales

Jeric gustong maging housemate

RATED Rni Rommel Gonzales MASAYA ang Sparkle artist na si Jeric Gonzales na lalong nagiging …

Diego Loyzaga Sue Ramirez In Between

Diego sa anak muna nakatutok, lovelife zero

RATED Rni Rommel Gonzales RELELASYON ni Diego Loyzaga nawala siyang karelasyon ngayon. ”My life has …

Sharon Cuneta Kiko Pangilinan

Sharon hindi na iiyak sa pagkapanalo ni Kiko 

I-FLEXni Jun Nardo IT’S all over but the shouting! May nanalo na at may natalo …

VMX Karen Lopez

Vivamax star, BF missing mula noong 5 Mayo

HUMINGI ng tulong sa Quezon City Police District (QCPD) ang ina ng Vivamax star na …