Saturday , December 20 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Ice Seguerra Alanis Morissette

Ice Seguerra special guest sa concert ni Alanis

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

NA-EXCITE kami para kay direk Ice Seguerra dahil siya ang special guest sa concert ng Canadian-American singer and songwriter na si Alanis Morissette na magaganap sa August 1 at 2 sa Mall of Asia Arena, 8:00 p.m..

Sa pakikipagpalitan namin ng mensahe kay direk Ice, aminado itong sobra rin siyang na-excite na makasama sa Alanis 2023 concert dahil idolo niya ang magaling na singer.

“Super excited ako kasi idol ko siya. Bata pa lang ako, super fan na ako,” mensahe nito sa amin.

Bale si Ice ang opening artist sa concert ni Alanis at limang kanta ang aawitin niya.

“Buong Jagged Little Pill na album, kabisado ko,” anito nang matanong kung anong kanta ang paborito niya kay Alanis.

Nag-umpisa ang career ni Alanis early 90’s sa pamamagitan ng dalawang dance-pop albums. Noong 1995 ay ini-release niya ang Jagged Little Pill, isang alternative rock-oriented album na may element ng post-grunge na nakapagbenta ng 33 million copies globally at kaya siya naging cultural phenomenon. Ito rin ang dahilan kaya nakakuha siya ng Grammy Award for Album of the Year noong 1996.

Kasama sa Jagged Little Pill album ang mga awiting You Oughta Know, Hand in My Pocket, Ironic, You Learn, Head Over Feet, at All I Really Want.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Zaijian Jaranilla Earl Amaba Krystel Go Im Perfect

Zaijian nahirapan noong una: pero nang nakita ko ‘yung eksena sobrang magical

RATED Rni Rommel Gonzales MAHUSAY na aktor pero aminado si Zaijian Jaranilla na nahirapan siya sa papel …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

Sylvia Sanchez Im Perfect MMFF

Sylvia laban o bawi ang I’m Perfect

RATED Rni Rommel Gonzales MGA “anghel sa buhay namin” ang tawag ni Sylvia Sanchez sa mga cast …

Innervoices Aliw Awards

Innervoices Best Group Performer in Hotels, Music Lounges and Bars sa 38th Aliw Awards

RATED Rni Rommel Gonzales “MEN in white” barong ang peg ng paborito naming Filipino all-male …

Maya Twinyonaryo

Maya sa Twinyonaryo ng paghiram, paggastos 

NGAYONG Kapaskuhan, mas sulit ang bawat gastos mo lalo kung may chance manalo ng malaki …