Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Gian Sotto TVJ Chavit Singson BBQ Chicken

VM Gian Sotto inaming nasaktan sa nangyari sa TVJ; Nagpasalamat sa suporta ng media

SAMANTALA, nagpasalamat si Quezon City Vice Mayor Gian Sottosa entertainment media dahil sa patuloy na pagsuporta sa kanilang tatay na si Tito Sottogayundin kina Vic Sotto at Joey de Leon.

Malaki raw kasi ang nagawa ng media sa matagumpay na launching ng E.A.T. sa TV5 at sa patuloy na magandang ratings nito.

Anang QC Vice Mayor,  “Eh noong ginawa nga ‘yung pangalan na ‘yan sa bahay po ni Mommy ginawa ni Tito Joey, pati ‘yung lyrics noong ginawa nina Tito Vic, sila-sila lang po talaga ang gumawa.

Kaya nagpapasalamat po tayo sa Diyos for this blessing na makapagpatuloy po sila na makapagpasaya,” sabi pa ni VM Gian.

Noong una po, talagang nakalulungkot for us. It was very disappointing.

“We’re very sad. Pero immediately ang Panginoong Diyos po, napakabait. He gave us hope. Parang sinabi ni God, ‘Relax lang kayo, may plano ako. Focus on Me.’ And ‘yun, we focused on God, talagang winorship namin Siya.

“Sabi namin, ‘God is good all the time!’ And ‘yun po, nasagot po ang ating mga prayers,” kuwento pa ni Gian nang makahuntahan namin ito pagkatapos ng ribbon cutting ng BBQ Chicken sa Robinsons Magnolia noong Linggo na pinangunahan ni dating Ilocos Governor at may-ari nitong si Chavit Singsong kasama ang anak na si Vanessa Singson, Cong. Richelle Singson, at LCS Group Korea.

Inamin din ni Gian na nasaktan sila sa nangyari sa TVJ at Legit Dabarkads. “May times po, noong time na tinanggal sila, talagang nalungkot po ako. Nasaktan po ako.

“Pero ano eh, immediately, katulad nga ng sinabi ko, God is good and He really showed His Glory. And talagang naniniwala po ako roon sa kasabihan na kung sino ang inaapi, ‘yun ang iniaangat ng Diyos.”

At kung noong July 1, unang paglabas ng E.A. T. sa TV 5 ay buong puwersa na dumalo ang pamilya nina Tito, Vic,  at Joey, tiyak din ang pagdalo ng kani-kanilang pamilya sa 44th anniversary ng Eat Bulaga (E.A.T. ) sa July 30.

Ani Gian, ipinapasa-Diyos nila at sa mga tao ibinibigay nila ang pagpapasya.

“Again, para sa akin, let God and let the people speak, ‘di ba po?”

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia

Kompositor ng Kayong Dalawa Lang bata pa

MA at PAni Rommel Placente KOMPOSISYON ng CEO at presidente ng Purple Hearts na si Love Kryzl, ang Kayong …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Kayong Dalawa Lang regalo ni Love Kryzl kina Kiray at Stephan

OPISYAL nang inilabas ang Kayong Dalawa Lang, original love song ng batang CEO ng Purple Hearts na si Love …

Archangels Family Gala Night

Top hosts & contributors kinilala sa Archangels Family Gala Night  

MATABILni John Fontanilla MATAGUMPAY ang ginanap na Archangels Family Gala Night 2025 noong November 27, 2025 sa …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …