Sunday , December 22 2024
Jane Oineza

Jane kinilig, super pasalamat sa pagbibida sa serye

MA at PA
ni Rommel Placente

HINDI lamang isa kundi dalawang bigating teleserye agad ang unang pasabog ng ABS-CBN Entertainment at TV5 sa hapon sa pamamagitan ng Pira-Pirasong Paraiso at Nag-Aapoy Na Damdamin na magsisimula nang umere sa Hulyo 25 (Martes).

Sa Nag-Aapoy na Damdamin, isa si Jane Oineza sa dalawa sa pangunahing bidang babae rito, na ang isa ay si Ria Atayde. Kaya naman natanong siya kung anong feeling na bida na siya sa isang serye?

Sabi ni Jane, “Super kilig. And sobra-sobrang thankful sa JRB Creative Productions siyempre, dahil binigyan nila ako ng ganitong opportunity. At hinding-hindi ko ‘yun ipu-put to waste. At ibibigay ko talaga ang best ko. Kaya asahan ninyo talaga, na paiinitin namin ang mga hapon ninyo.”

Dagdag niya, “Pero ‘yun talaga, sobrang happy. At alam ko naman na hindi rin naman siya overnight success. And I also put my hardwork in it. I’m just really happy that all is happening now.”

Bukod kina Jane at Ria, kasama rin sa serye sina JC de Vera, Tony Labrusca, Joko Diaz, Kim Rodriguez, Maila Gumila, Carla Martinez, Aya Fernandez, at Nico Antonio. Mula ito sa direksiyon nina FM Reyes at Benedict Mique.  

Tutukan ang Nag-aapoy na Damdamin, 3:50 p.m., Lunes hanggang Biyernes sa Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, iWantTFC, TFC, A2Z, at TV5 simula Hulyo 25 (Martes).

About Rommel Placente

Check Also

Joel Cruz P25-M 25th anniversay Aficionado 

Joel Cruz mamimigay ng P25-M sa 25th anniversay ng Aficionado 

MATABILni John Fontanilla MAMAMAHAGI ng P25-M ang tinaguriang Lord Of Scents na si Joel Cruz …

Enrico Roque

Paghuli kay Mayor Roque nakabibigla

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SOBRANG shock din ang mga nakakikilala kay Pandi, Bulacan Mayor Enrico …

Bobby Garcia

Theater director Bobby Garcia pumanaw sa edad 55

PUSH NA’YANni Ambet Nabus PUMANAW na rin at 55 years old ang kilalang stage actor-producer-director …

MMFF50

Sampung pelikula para sa MMFF50, binigyan ng angkop na klasipikasyon ng MTRCB

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ILANG araw bago ang Kapaskuhan, inilabas na ng Movie and …

MMFF 2024 MTRCB

Mga pelikula sa MMFF, binigyan ng angkop na klasipikasyon ng MTRCB

INILABAS na ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) ang angkop na klasipikasyon …