I-FLEX
ni Jun Nardo
PUMANAW na ang aktor-direktor na si Ricky Rivero, 51. Ipinost ng kaibigang si Harlene Bautista ang malungkot na balita sa kanyang Facebook nitong nakaraang mga araw.
Huling nabalita na nagkaroon ng stroke si Ricky at ang ilang kaibigan ay humingi ng dasal at tulong-pinansiyal sa kanyang hospital bills.
Galing sa showbiz clan na Salvador si Ricky. Nakagawa rin siya ng ilang movies sa Viva hanggang sa nahinang ang pagiging director niya sa Kapamilya shows.
Wala pang detalye ng pagkamatay ni Rivero at kung saan ang kanyang wake.
Nakikikiramay kami sa naulila ni Ricky.