Saturday , December 20 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Abdani Tapulgo Jr Galo Jevy Galo Yassi Pressman

Yassi Pressman bet ng mga batam-batang negosyante

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

NAKATUTUWAang kapwa batambatang CEO at COO ng Best Label Solutions Inc, dahil kahit nag-aaral pa lang ay tinututukan na nila ang pamamalakad ng negosyong ipinagkatiwala ng kanilang mga magulang.

Edad 19 pa lamang si Abdani Tapulgo Jr. Galo samantalang 18 naman si Jevy Galo at kapwa nag-aaral sa La Salle pero ipinangako nila sa kanilang mga magulang na sina Mr Abdani Galo at Mrs Jennifer Tapuldo Galo na ipagpapatuloy at pagyayamanin ang ibinigay sa kanilang printing business.

At noong July 9, isinagawa ang grand opening ng Best Label Solutions Inc.sa Sta Maria, Bulacan na special guests sina Ruru Madrid at Ms Earth Philippines Yllana Marie Aduana. Kasama ring nakisaya sa grand opening ng printing business sina Dustine Mayores (actor/ influencer), Cloe Redondo (singer/ influencer), Archie Aguilar (singer/influencer), Katkat Manimtim (social media influencer), Daniel Bernardo (social media influencer), Bugoy Cariño (actor/ influencer), at Dior Veneracion (singer/ social media influencer).

Pinakilig ni Ruru ang mga dumalo sa nasabing event lalo nang nilapitan niya at hinarana ang ilang mga kababaihang naroon.

Ang Best Label Solutions Inc. ay isang family owned label printing business na pamamahalaan nina Abdani at Jevy, na kahit mga bata pa, nagpakita na agad ng pagiging hardworking at naka-focus sa pagpapalago ng kanilang negosyo. Nais ng magkapatid na maabot ang kanilang pangarap na ma-penetrate ang international market gayundin ang pagkakaroon ng mga international client.

Vision ng magkapatid na, “to expand our reach through the years and consistently be the best at what we do.”

Aim din nilang makapag-establish ng respect at professionalism that foster lasting relationships externally and internally.

Natanong ang magkapatid kung sino ang gusto nilang maging ambassador ng kanilang kompanya sakaling handa na silang kumuha. At kapwa nila isinagot ang pangalan ni Yassi Pressman.

Medyo mahiyain at kimi ang magkapatid pero for sure crush nila kapwa si Yassi dahil maganda naman talaga ang dalaga.

Anyway, wala naman silang balak pumasok sa showbiz o mag-artista dahil mas gusto nilang tutukan at paunlarin ang kanilang negosyong ipinagkatiwala ng kanilang mga magulang.

Ang Best Label Solutions Inc. ay matatagpuan sa Kamatis St. Brgy Tumana, Sta. Maria, Bulacan.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

MMFF Parade

MMFF Parade of Stars magsisimula sa Macapagal Ave

I-FLEXni Jun Nardo PARADE of Stars ngayong hapon para sa 51st Metro Manila Film Festival sa Makati City. …

ABS-CBN ALLTV TV5

ABS-CBN bayad na raw utang sa TV5 

I-FLEXni Jun Nardo BAYAD na raw ang obligasyon ng ABS-CBN sa TV5. Ayon ito sa kumalat na press release …

Zsa Zsa Padilla Aliw Awards

Aliw Awards nag-sorry kay Zsa Zsa

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez HUMINGI ng paumanhin ang Aliw Awards Foundation sa aktres/singer, Zsa Zsa Padillamatapos isauli ang Lifetime …

Andrea Brillantes Rekonek

Andrea naospital, ‘di nakadalo sa preem; Rekonek positibo mensahe sa pamilyang Pinoy

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez MAGANDA ang iniwang mensahe ng pelikulang Rekonek: anumang pinagdaraanan ng pamilya, mag-away-away …

Zaijian Jaranilla Earl Amaba Krystel Go Im Perfect

Zaijian nahirapan noong una: pero nang nakita ko ‘yung eksena sobrang magical

RATED Rni Rommel Gonzales MAHUSAY na aktor pero aminado si Zaijian Jaranilla na nahirapan siya sa papel …