PUSH NA’YAN
ni Ambet Nabus
KILIG na kilig sina Rayver Cruz at GF nitong si Julie Anne San Jose sa naging kulitan nila during The Cheating Game movie mediacon.
Everytime na tatawaging Mrs. Cruz si Julie ng mga kasamahan sa media, abot tenga ang ngiti ni Ray (tawag naman ni Julie sa BF) sabay sabing, “Panindigan natin ‘yan. Sarap pakinggan.”
Mature, daring and bolder kung ilarawan ng dalawa ang movie ma nagawa nila under GMA Films at GMA 7 Public Affairs.
Eh sa title pa lang obvious nang kakaiba ito sa mga nagawa na nila.
At kung trailer din ng movie ang pag-uusapan, parang masarap abangan ‘yung kabuuan ng mga eksena nilang ‘daring and bold.’
Doon pa lang sa swimming pool scene ni Julie, halos hindi kami makapaniwalang galing siya sa Maria Clara role sa TV hahaha!
Showing sa mga sinehan sa July 26 ang The Cheating Game.
Kasama rin sa movie sina Martin del Rosario at Winwyn Marquez sa direksiyon ni Rod Marmol.