Saturday , January 31 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Katrina Paula Claudine Barretto Rico Yan Sabrina M

Katrina Paula pinasinungalingan relasyon ni Sabrina kay Rico

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

IGINIIT ni Katrina Paula na walang katotohanan ang tinuran ni Sabrina M kamakailan at nasulat dito sa aming pahayagan na nagkaroon ang kanyang kaibigan ng relasyon sa namayapang aktor na si Rico Yan.

Sa guesting ni Katrina sa show ni Tita Cristy Fermin, ang Cristy Ferminute na napakikinggan sa Radyo 5 92.3 TRUE FM at napapanood sa One PH YouTube channel kasama si Romel Chika na walang relasyon ang dalawa.

“Nay wala! Walang relasyon na naganap sa kanila, baka nagkatikiman sila. Pero ‘yung relasyon hindi ko alam kung saan nanggaling. Kasi ang tagal kong naging kaibigan si Sab, eh,” paglilinaw ni Katrina.

Ukol sa tanong ni Tita Cristy kung may naganap kina Sabrina at Rico noong panahong magkakasama sila, sinabi ni Katrina na, “Wala, eh. Paano naman ‘yun ‘Nay, eh, nandoon kami. Sobrang bait po ni Rico Yan, sobrang marespeto. Pinatuloy niya kami roon (bahay) siya na lang nag-give way para makatulog o makahiga kami sa kama.”

Sinabi naman ni Tita Cristy na sa burol at libing ni Rico ay hindi niya nakita si Sabrina. Taliwas ito sa tinuran ni Sabrina na naroon siya sa burol at libing ng aktor. Actually inabutan pa raw siya ng bulaklak ng kapatid ni Rico na si Bobby.

“Paano niya nasabing magka-live in sina Sabrina at Rico, eh, ang magka-live in noon, si Claudine (Barretto) at si Rico?” giit ni Tita Cristy.

Nagpunta kami noon Nay sa La Salle kasi naging magkaibigan kami ng tropa Whattamen (Rico, Dominic Ochoa, at Marvin Agustin) at saka kami. Hindi ko alam saan nanggaling ‘yung two and a half years, eh.

“Si Sab sobrang crush niya si Rico Yan tapos nagkaroon nga ng pagkakataong nagka-bonding kami. Kami ni Marvin nagkalandian pero hindi ko alam ‘yung sitwasyon na sinasabi ni Sab.

“Nasabi ni Sab na nagkaroon ng relasyon pero walang relasyon siguro nga nagkatikiman sila pero walang relasyon,” giit ni Katrina 

Naibahagi rin ni Katrina ang pagkikita nila ni Claudine at ipinakiusap nito sa kanya na ‘wag na siyang idamay.

Ani Katrina, ipinakilala niya ang sarili kay Claudine at natanong ito ukol kay Sabrina. 

“Confident akong sumagot na kaibigan ko si Sabrina (nang tanungin kung kaibigan niya) tapos sabi niya, ‘baka puwede akong makiusap sabihan mo naman ‘yung friend mo na ‘wag na niya akong idamay.  Ganoon siya kalumanay, alam mo ‘Nay gusto kong matunaw sa kinauupuan ko bakit ko ba nasabing kaibigan ko si Sabrina,”pagbabahagi pa ni Katrina.

Sa kabilang banda, ipinagtanggol naman ni Katrina si Sabrina ukol sa mga komentong baka nagha-hallucinate ito. “Hindi naman na ‘Nay nagbago na si Sab, wala na siya sa stage na ganoon. Baka gusto lang niyang sumikat kaya ganoon. ‘Nay uulitin ko lang po hindi ako nakikisawsaw sa isyu na ito, sobrang nabaitan lang ako kay Claudine Barretto.”

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Babys Day Out sa Bohol

Gumala habang nag-aaway si nanay at tatay
Baby’s day-out sa kanyang first birthday

NAALALA ba ninyo ang pelikulang Baby’s Day Out noong 1994?         Puwes nangyari ang isang …

Landers Fairview Fire

LANDERS SUPERSTORE SA FAIRVIEW NATUPOK
5 fire volunteers iniimbestigahan

ni ALMAR DANGUILAN TILA BUONG-BUONG nilamon ng apoyang sangay ng Landers Superstore sa kanto ng …

arrest, posas, fingerprints

Nagpanggap na pulis, kelot timbog sa panloloko

ARESTADO ang isang lalaki matapos magpanggap na pulis at manloko ng isang tindero sa pamamagitan …

Dead body, feet

8-anyos anak patuloy na hinahanap, bangkay ng aleng pulis natagpuan

NATAGPUAN ang wala nang buhay na katawan ng isang babaeng pulis na mahigit isang linggo …

FDNY China WPS

Mga Makabayang Grupo Kinondena ang Agresyon ng China sa West Philippine Sea

Nagdaos ng kilos-protesta ang Filipinos Do Not Yield Movement (FDNY), kasama ang mga lider at …