Sunday , January 11 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Marian Rivera Rhea Tan Beautéderm BlancPro

Marian ‘di kailanman naisip magparetoke

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

HINDI kataka-takang hindi pumasok sa isip ni Marian Rivera ang magparetoke. Isa si Marian sa may natural na ganda at masasabi naming, hindi na niya kailangan ang magpagawa o magpabago ng anumang bahagi sa kanyang mukha o katawan dahil almost perfect na ang hitsura niya.

Kaya naman nang matanong ang aktres sa paglulunsad sa kanya bilang first celebrity endorser ng BlancPro na sister company ng Beautederm na pag-aari ni Ms Rhea Anicoche-Tan kung naisip ba nitong magparetoke ang isinagot nito’y hindi o wala.

“Thank You, Lord! Wala naman! Napaisip tuloy ako, wala naman! Okay naman ako,” sagot ng nanay nina Zia at Sixto.

Ibinulgar din ni Marian na hindi rin niya akalaing magiging artista siya dahil hindi sumagi sa isip niya ang pasukin ang showbiz. ”Parang gusto ko lang commercial model. Mag-commercial lang, sa magazines.

“Eh, nabigyan ng pagkakataon, sinuwerte, siguro pinalad. So, nagtuloy-tuloy lang, from there, siyempre in-embrace ko na ‘yun. Sabi ko, ‘Ay, mahal ko pala ang mag-artista. So roon na nagsimula at nagtuloy-tuloy,”paliwanag ni Marian.

Samantala, bagong player sa beauty industry ang BlancPro na sub-brand/affiliate ng Beautéderm. Ito ay nagbibigay ng epektibong skincare products sa mababang halaga na mabibili ng masa. Layunin nito na tulungan ang consumers na mapanatili at ma-improve ang “glow” nila na mayroong tagline na “Glow Like A Pro.” 

Sabi nga ni Ms Rhea, “BlancPro is tailored to cater to consumers who seek effective yet budget-friendly skincare products. What sets BlancPro apart is its use of quality ingredients, carefully formulated to suit all skin types.”

Sinabi pa ni Ms Rhea na commitment ng BlancPro ang inclusivity, simplicity, at affordability ng mga produkto. Ang mga produkto ay sagot sa mga skin concern ng consumers tulad ng Milk Body Wash, Sakura Body Scrub, Charcoal Foam, Phyto-Emerald Moisturizing Soap, Sleeping Mask, at ang Jeju White Brightening and Moisturizing Lotionna ineendoso ni Marian. 

Alam naman nating adbokasiya na ni Ms. Rhea ang healthy skin, sinamahan pa ng kanyang dedikasyon sa pagbibigay ng serbisyo sa mga tao. 

Naniniwala kasi si Ms Rhea na dapat alagaan ang ating mga balat tulad ng pag-aalaga ng endorser nitong si Marian sa kanyang sarili.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Andrew E

Andrew E dagsa ang fans, mamamahagi ng collectibles

HARD TALKni Pilar Mateo MAILALARAWAN ang master rapper of this era, Andrew E. bilang livin’ …

Encantadia Chronicles Sanggre

Encantadiks tuloy-tuloy ang panalo

RATED Rni Rommel Gonzales SOBRANG lakas ng Encantadia Chronicles: Sang’gre sa primetime. Base sa overnight NUTAM People …