Sunday , December 22 2024
Paolo Contis Joross Gamboa Jules Katanyag

Paolo Contis iginiit: Wala akong inapakang tao 

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

HALATA sa boses ni Paolo Contis ang pagod nang dumalo ito sa premiere night/mediacon ng pelikulang pinagbibidahan nila ni Joross Gamboa, ang Ang Pangarap Kong Oskars handog ngMAVX Productions, sa SM Cinema, North Edsa.

Dahil sa stress at pagod, umabot pa na nilagnat at tinrangkaso si Paolo, ito ay simula nang maging host siya ng Kapuso noontime show na Eat Bulaga ng TAPE Incorporated.

Inamin din niyang nabago na ang sleeping habits niya na kailangan niyang matulog ng maaga at magising ng maaga para nga sa Eat Bulaga.

Ani Paolo medyo nakapag-adjust na siya sa bagong routine niya ngayon.

“Actually, patulog na dapat ako ngayon. Nabago ng kaunti. Noong mga first few days, siyempre pagod ka pag-uwi ng mga 3:00-4:00 ng hapon. Kaya nakakatulog agad ako pagkauwi. Kasi nga pagod.

“Sinasabi ko, idlip muna ako. Ang nangyayari, nagigising ako ng 12 midnight, tapos hindi na ako makakatulog. So, sinusubukan kong i-adjust. Malaking adjustment sa totoo lang.”

Sinabi rin ni Paolo na hindi niya akalaing ganoon kahirap ang maging noontime show host.

“Siguro kasi kasama na roon ‘yung stress. Alam naman natin kung ano ang pinagdaraanan namin. So, mayroong stress ‘yon,” pag-amin pa ni Paolo.

“Kaya ine-enjoy mo na lang. Ako naman, nag-e-enjoy naman ako sa hosting. Pero siyempre, ang kalakip na stress and pressure niya, mas nakakapagod siya.

“So, kapag umuuwi ka, talagang drained ka. Right now I’m trying na mabuo ko ‘yung  9-10 na tulog. 

“Kasi 7:00 a.m. andoon na ako sa studio. Inaagahan ko, kasi una, ayokong matrapik. Ikalawa, well, medyo OA, pero dinadama ko muna ‘yung lugar. Para by the time na dumating na lahat, kalmado na ako. Alam ko na ang gagawin ko,” pagkukuwento pa ni Paolo. 

“Tapos noong isang araw, nag-absent ako. Kasi, nilagnat, trinangkaso talaga ako. So, nag-absent ako isang beses. Pero the next day, okay na. That’s the only thing I can be proud of,” sabi pa ng aktor.

At dahil sa nararanasan niya ngayon, natanong si Paolo kung worth it ba ang hirap at sakripisyo niya bilang host ng Eat Bulaga? Anito, “Oo naman. Kapag nakikita mo ‘yung lahat ng katrabaho mo, as dedicated as you, then you have no reason to be as dedicated as them.

“Una sa lahat, masaya sa loob. Masaya kami sa loob. Masaya ‘yung staff. Masaya ‘yung crew. Masaya ‘yung cast. Sabi ko nga, tinanong kami kahapon kung bakit parang ang close namin.

“I think, ‘yung pressure nga, to make it work, wala naman kayong ibang sasandalan kundi isa’t isa, eh. So naging mabilis kaming pamilya. Kanya-kanya na lang kami sa pagkuha niyong positive things ‘ika nga.

“Kasi, pagdating mo sa labas, again, totoo naman, may stress talaga. Siyempre, biglaan ‘yun, eh.

“Hindi naman natin puwedeng sabihin na sobrang prepared kami. Wednesday nangyari ‘yun. Thursday tinawagan kami. Friday nag-rehearse. Saturday nag-rehearse. Monday, nag-live.

“Talagang isinabak mo kami kaagad. May stress talaga ‘yun. But right now, we really are enjoying it. We’re learning,” sabi pa ni Paolo na sinuportahan siya ng mga kasamahan niya sa Eat Bulaga tulad nina Buboy Villar, Mavy at Cassy Legaspi at iba pa sa naturang premiere night.

Naniniwala ako na mas marami nang nakaka-appreciate ng at least doon sa work na ginagawa namin. Doon sa effort na ginagawa namin.

“And we’re hoping that eventually, mas mapansin siya, mas tumagal. Makikita mo naman, ako, nag-e-enjoy ako roon sa mga taong natutulungan namin

“First hand na nakikita ko sa mata. Iba ‘yung high niya. First time kong nag-host ng daily show and iba ‘yung high na nararamdaman mo ‘pag nakikita mong masaya ‘yung mga tao,” sambit pa ng aktor.

Ukol naman sa sinasabihan silang Fake Bulaga, ito ang nasabi ni Paolo,  “Wala. Wala naman. I mean, hindi po sila ang kalaban namin. Wala kaming kalaban, wala kaming whatever. Kanya-kanya po ng perspective ‘yan.

“We were called to work, that’s my job, and I’m doing the best that I can sa trabaho. Wala akong inapakang tao. Naniniwala akong wala akong inapakang tao,” giit ni Paolo

Inihayag din ni Paolo na nagpasintabi muna siya bago niya tinanggap ang EB “Nagpasintabi ako sa mga taong kinauukulan na kakilala ko. And I think that’s enough. And I believe everyone sa side nila knows that work is work also. I believe they’re professional enough to understand that.”  

Samantala, humanda sa kakaibang trip sa kababalaghan at katatawanan kasama sina Jorossat Paolo.

Sundan ang biyahe ng isang movie producer na si Bobby B (Paolo) at Director DMZ (Joross) sa paglikha ng isang kakaibang Obra Maestra.

Nakasentro ang istorya ng Ang Pangarap kong Oskars sa kuwento ni Bobby B na gustong patunayan na kaya niyang makagawa ng isang pelikulang maaaring makapaglagay sa Pilipinas sa international movie stage.

Sa tulong ng kaibigang si DMZ, gagawa sila ng pelikula kahit kapos sa pondo at suporta ng mga tao sa industriya.

Dahil sa kamalasan at kakapusan sa pelikulang gagawin, nakaisip si Bobby B ng kakaibang paraan para maisakatuparan ang malaking pagsubok na ito.

Dala ang tapang, diskarte, isang camera, kasama ang mga element ng kababalaghan, matatapos kaya nila ang paggawa ng pelikulang ito?

Ang Ang Pangarap Kong Oskars ay isang pagpupugay sa tiwala, pagkakaibigan, at dedikasyon ng mga tao sa likod ng camera.

Ipinakikita rin sa pelikulang ito kung hanggang saan at ano ang kayang isugal at isakripisyo ng isang individual upang matupad at maabot ang kanyang pinakaaasam na pangarap.

Mula sa producers ng mga phenomenal hit movies na Ang Pangarap kong Holdap, A Faraway Land, Dollhouse, Unravel,at I Love Lizzy, inihahandog ng MAVX Productions, ang pelikulang Ang Pangarap Kong Oskars na idinirehe ni Jules Katanyag.

Mapapanood ang Ang Pangarap Kong Oskars sa mga sinehan simula Hunyo 28, 2023.

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Joel Cruz P25-M 25th anniversay Aficionado 

Joel Cruz mamimigay ng P25-M sa 25th anniversay ng Aficionado 

MATABILni John Fontanilla MAMAMAHAGI ng P25-M ang tinaguriang Lord Of Scents na si Joel Cruz …

Enrico Roque

Paghuli kay Mayor Roque nakabibigla

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SOBRANG shock din ang mga nakakikilala kay Pandi, Bulacan Mayor Enrico …

Bobby Garcia

Theater director Bobby Garcia pumanaw sa edad 55

PUSH NA’YANni Ambet Nabus PUMANAW na rin at 55 years old ang kilalang stage actor-producer-director …

MMFF50

Sampung pelikula para sa MMFF50, binigyan ng angkop na klasipikasyon ng MTRCB

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ILANG araw bago ang Kapaskuhan, inilabas na ng Movie and …

MMFF 2024 MTRCB

Mga pelikula sa MMFF, binigyan ng angkop na klasipikasyon ng MTRCB

INILABAS na ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) ang angkop na klasipikasyon …