Isumbong mo
kay DRAGON LADY
ni Amor Virata
MAY SILBI ang isinusulong na panukala sa Kamara ni PBA Party-list Rep. Margarita Nograles, na nagsisilbing babala sa lahat ng mahilig umorder sa online seller upang maiwasan ang scam na nagaganap.
Kadalasan hindi pumapayag ang mga delivery rider ng J&T, LBC, Grab at Lalamove na buksan ng umorder ang balot o package ng kanilang inorder, na alam nating maling-mali.
Mas madalas talaga na palpak ang ipinadalang item lalo ang mga sizes.
“Pag inorder mo ay large size, ang idedeliber ay small size. Sa sapatos naman o tsinelas, size 6 ang order, ang darating ay size 9.
Paano maibabalik? Walang address ng online seller o telephone number ng online seller na inorderan.
Nabiktima na rin ang inyong lingkod, hindi lang isang beses… maraming beses!
Gaya ng relong Michael Kors, sa original price daw sa kanilang ads sa social media ay P10,000. Ang ganda ng picture, nang ideliber sa akin at nang buksan ko maganda ang kulay gold pero napakagaan na parang papel ang bigat!
Ang masakit, walang turnilyo ang bracelet! Mukhang ito ‘yung ibinebenta sa bangketa! Sa halagang P499 couple watch, mistulang peke ng Michael Kors company ang darating. Atm marami pang produkto na puro peke.
Mayroon namang online sellers na pipiktyuran lang ang mga tindang produkto sa Divisoria Malls tapos mag-o-online selling na kapag adik mo, ilang araw ang delivery schedule, two to three days ‘pag Metro Manila pero hihingan ka ng down payment thru GCash, bakit? Kasi walang mga puhunan! E ‘di lokohan, puwedeng nakuha ang pera mo, wala naman ‘yung order mo!
Dapat busisiin at manmanan ng DTI ang lahat ng online seller at patawan ng mga kaukulang buwis! Dami nating kongresista bulag dito!
Pasalamat tayo kay Rep. Margarita Nograles at pinansin niya ang problemang ito!
Hindi kaya naging biktima rin siya?