Friday , March 13 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Bulacan Police PNP

Sa Bulacan
9 DRUG SUSPECT, 3 WANTED PERSON KALABOSO

DIRETSO sa kulungan ang siyam na suspek sa droga at tatlong wanted na indibiduwal nang maaresto sa patuloy na operasyon ng pulisya sa lalawigan ng Bulacan hanggang nitong Huwebes ng umaga, 15 Hunyo.

Sa ulat kay P/Col. Relly Arnedo, Provincial Director ng Bulacan PPO, dinakip ng tracker teams ng Baliwag, Malolos, at Bulakan C/MPS ang tatlong kataong pinaghahanap ng batas para sa mga kasong Estafa, Qualified Theft, at paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002 sa magkakahiwalay na manhunt operations.

Samantala, nasakote ng mga tauhan ng Station Drug Enforcement Units mula sa Hagonoy, Bocaue, San Rafael, Malolos, Calumpit, Sta. Maria, at Baliuag C/MPS ang siyam na indibiduwal sa paglabag sa Sections 5 at 11 ng RA 9165 at nakumpiska ang kabuuang  32 pakete ng  plastic ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng tinatayang P54,944, drug paraphernalia, at buybust money. (MICKA BAUTISTA)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Micka Bautista

Check Also

P6.8-B shabu Speed boat Paluan Occidental Mindoro

Sa abandonadong bangka
P6.8-B shabu natagpuan ng mga sundalo

NADISKUBRE ng tropang militar ang P6.8-bilyong halaga ng hinihinalang shabu sa isang abandonadong speedboat sa …

NBI NMIS

Sa isang ‘planta’ sa Makati  
KARNE NG ASO FOR SALE ONLINE, 5 VIETNAMESE  ARESTADO

NASAKOTE ang limang Vietnamese nationals na pinaniniwalaang sangkot sa bentahan online ng processed dog meat …

Arrest Shabu

P142.8-M ‘obats’ nasabat; 2 tulak timbog sa buybust

NASAMSAM ang hindi bababa sa P142,800,000 halaga ng hinihinalang shabu, habang nadakip ang dalawang pinanininiwalang …

arrest, posas, fingerprints

Kulang 48 oras
SINIBAK NA PARAK, KASAPAKAT ARESTADO SA PINATAY NA PULIS SA BULACAN

NAARESTO ng Police Regional Office 3 ang dalawang suspek na sangkot sa pamamaril sa isang …

Nueva Ecija Police PNP

2 bangkay sa sinunog na kotse kinilala ng pulisya, 2 POI tinutugis

PINANGALANAN nang pulisya ang dalawang bangkay na natagpuan sa sinunog na kotse sa Barangay Sinasajan, …