Tuesday , April 15 2025
Michelle Lusung Rhea Tan Carlo Aquino Beautederm Sm North EDSA

Michelle Lusung tiwala sa Beautederm at kay Ms. Rhea Tan, thankful sa 4th branch sa SM North EDSA

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

LAST week ay binuksan ang fourth Beautederm store ng husband and wife tandem na sina Michael at Michelle Lusung sa SM North Edsa, Lower Ground Level. Present sa nasabing okasyon ang Beautederm CEO and President na si Ms. Rhea Anicoche Tan, pati na ang dalawa sa ambassadors nito na sina Carlo Aquino at ang beauty queen na si Thia Thomalla .

Dito’y nagpakitang gilas sina Carlo at Thia sa pagiging Beautederm consultants at pagbebenta ng naturang produkto. In fairness, ang galing nilang mag-explain sa mga bumibili dahil talagang ginagamit nila ang mga produkto ng Beautederm, lalo na ang kanilang mga paborito – ang Purifie Facial Wash at Beautederm Beau Charcoal Soap para kay Carlo, habang Cristaux Supreme Serum, Cristaux Gold Serum, at Purifie Facial Wash naman para kay Thia.

Very grateful naman si Ms. Michelle sa pagbubukas ng ika-apat na branch nila ng Beautederm store.

Aniya, “Grateful po kaming mag-asawa sa patuloy na paglago ng negosyo at nagpapasalamat po kami sa patuloy na paglalabas ng magagandang produkto ni Mam Rei (Rhea Tan).”

Inusisa namin siya kung saan ang apat na branches nila? Wika ni Ms. Michelle, “Una po naming naitayo ang Beautederm Singapore na nasa Orchard Lucky Plaza #04-101, pangalawa po ang Newpoint Mall Angeles City, pangatlo po sa SM City Fairview, at pang apat ay ito pong sa SM City North Edsa.”

Ipinahayag din ng masipag na businesswoman na sobra ang ligaya niya sa matagumpay na opening ng new branch nila. “Super-saya po namin dahil ramdam namin ang patuloy na pagtangkilik sa produkto ng consumers at ang suportang bigay ng SM North Edsa at ng Beautederm Corporation, lalo na po ang aming CEO na si Mam Rei.

“Taos puso pasasalamat namin at patuloy ang loyalty namin sa Beautederm at sa aming CEO na si Mam Rei. Lubos ang aming pasasalamat sa walang sawa niyang pagsuporta, tiwala, at pagmamahal sa amin,” sambit pa ni Ms. Michelle.

Any message kina Carlo at Thia? “Sobrang natuwa kami sa pagpunta nila at ang pagbebenta nila sa kiosk sa SM North EDSA. Nagpapasalamat kami sa kanila dahil napasaya nila ang mga customers natin sa Beautederm at napabili ang mga taong nasa SM mall,” masayang pakli pa ni Ms. Michelle.

Proud na proud naman ang lady boss ng Beautederm kina Carlo at Thia, dahil kitang-kita sa kanila kung gaano ka-effective na produkto ang Beautederm.

“Tignan niyo yung kutis ng mga alaga ko, di ba mas maganda sa personal, walang filter. Tignan niyo ang baby girl ko (Thia), beauty queen, ang ganda-ganda sa personal. At si Carlo parang 25 years old lang, hindi tumatanda di ba?” Masayang pahayag ni Ms. Rhea.

About Nonie Nicasio

Check Also

Rhian Ramos

Rhian bumisita sa 7 simbahan sa Maynila

MATABILni John Fontanilla NGAYONG Holy Week ay inihatid ng programang Where In Manila, hosted by Rhian Ramos ang …

Marianne Bermundo Kyle Echarri

Kyle Echarri gustong makapareha ni Marianne Bermundo

MATABILni John Fontanilla SA pagpasok sa showbiz ng newbie teen actress  at beauty queen na …

Arron Villaflor

Arron Villaflor hangad maging boses ng mga kabataan ng Tarlac

MATABILni John Fontanilla TULOY-TULOY na ang pagpasok sa politika ni Arron Villaflor, na tumatakbo bilanh Board …

Gela ‘di nakapaniwala kasama sina Gary at Marian sa isang endorsement

RATED Rni Rommel Gonzales SA tsikahan namin ni Gela Atayde sa Fresh International Buffet sa Solaire Resort …

Maricel Soriano

Maricel may spine arthritis kaya iika-ika maglakad

MA at PAni Rommel Placente ILANG araw din pinagpiyestahan ng ibang netizens ang kalagayan ni Maricel …