Saturday , December 20 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Angelica Jones

Angelica relate sa role sa Tadhana’s “reunion”; balik-eskuwela

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

Pambubully at paghihiganti ang pinag-uusapang kuwento sa pagbabalik-telebisyon ng politician/actress na si Ms Flawless Angelica Jones sa 5th anniversary presentation ng GMA 7’s “Tadhana: Reunion” hosted by Kapuso Primetime Queen Marian Rivera na ngayong Sabado na at 3:15 pm mapapanood ang Reunion The Finale.

Nagmarka sa viewers ang karakter nina Rebecca (Elle Villanueva) at Diane (Faye Lorenzo) pero hindi rin nagpahuli ang karakter ni Ms. Flawless bilang si Ester na amo ni Rebecca. Si Ester ay isang mayaman na nahospital pero walang ni isa sa kanyang pamilya o kaanak ang dumalaw sa kanya. Pera lang niya ang minahal sa kanya. Ang nagsakripisyo kay Ester, ang namasukang katulong na si Rebecca na biktima ng pambubully mula sa anak ng mayamang pamilya.

Dahil halos iisa ang masalimuot na karanasang pinagdaanan nina Rebecca at Ester, ipinangako ni Ester kay Rebecca na tutulungan niya ito kung paano i-serve ang revenge. Sa eksenang nabanggit, marami ang nagsabing relate na relate sa kanyang acting si Angelica, kasi ay parang siya na sa totoong buhay ang gumaganap kaya kuhang-kuha niya sa screen ang sakit na dinadala niya sa kanyang dibdib.

Nakaranas din kasi ng pambu-bully noong estudyante si Angie at naranasan niyang iwanan ng mga taong akala niya’y kakampi sa mundo ng politika.

Ano-ano ang natutunan niya sa kanyang character sa Tadhana? “Naiiyak na naman ako tuloy. Nag-flash back po kasi sa akin yong sinasabunutan ako nang nakatalikod, pag pumapasok po ako ng CR na may vandalism. Pero sa na experience kong pambu-bully hindi ako nagsumbong sa amin. Hinayaan ko na lang, much better sa isip ko para hindi na lumaki ang gulo, sinarili ko na lang. Nandiyang nawawala gamit ko, may parang sabotage na nangyayari sa akin sa school na ang ginawa ko na lang ay sinasarili ko ang problema.

“Nag-concentrate na lang ako sa studies ko, sabi ko sa sarili ko, gagalingan ko na lang ang aking pag-aaral. I know God is always with me. God will protect me. I know, hindi ako pababayan ni God. Iyong teacher na lang ang napagsasabihan ko ng problema. Basta I keep on praying and talking to God.” 

In real life, sa buhay ni Ms Flawless, never niyang isinagawa ang paghihiganti sa mga taong nang-iwan sa kanya noong nakaraang election at matapos siyang iitsapwera na lang ng mga taong nakapaligid sa kanya. Good thing, there are few people who remained by her side at ilan dito ang kanyang confidant friends na nanatiling solid ang support sa kanya. Lalong naging matibay din ang relasyon nilang mag-ina ni Mommy Beth Jones at unico hijo at brilliant na si Angelo.

Bakit hindi naghiganti si Angelica gaya ng role niya sa Tadhana? “Never akong gumanti at lalo akong di susuko. Iyan ang pagkakilala ko sa sarili ko at dikta ng isip at puso ko. I am blessed. God is with me, so nothing and no one can destroy me,” makahulugang saad pa ni Angie.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

MMFF Parade

MMFF Parade of Stars magsisimula sa Macapagal Ave

I-FLEXni Jun Nardo PARADE of Stars ngayong hapon para sa 51st Metro Manila Film Festival sa Makati City. …

ABS-CBN ALLTV TV5

ABS-CBN bayad na raw utang sa TV5 

I-FLEXni Jun Nardo BAYAD na raw ang obligasyon ng ABS-CBN sa TV5. Ayon ito sa kumalat na press release …

Zsa Zsa Padilla Aliw Awards

Aliw Awards nag-sorry kay Zsa Zsa

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez HUMINGI ng paumanhin ang Aliw Awards Foundation sa aktres/singer, Zsa Zsa Padillamatapos isauli ang Lifetime …

Andrea Brillantes Rekonek

Andrea naospital, ‘di nakadalo sa preem; Rekonek positibo mensahe sa pamilyang Pinoy

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez MAGANDA ang iniwang mensahe ng pelikulang Rekonek: anumang pinagdaraanan ng pamilya, mag-away-away …

Zaijian Jaranilla Earl Amaba Krystel Go Im Perfect

Zaijian nahirapan noong una: pero nang nakita ko ‘yung eksena sobrang magical

RATED Rni Rommel Gonzales MAHUSAY na aktor pero aminado si Zaijian Jaranilla na nahirapan siya sa papel …