Saturday , January 24 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Joshua Garcia

Joshua di naligo, nagbabad sa computer nang ma-heartbroken

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

KUNG may isang honest na artistang kilala namin, isa si Joshua Garcia dahil na rin sa hindi marunong magtago ng tunay na saloobin o nararamdaman sa mga bagay-bagay. Tulad na lang ng naganap na pag-amin nito sa grand mediacon na isa siya sa mga bida ng TV series na Unbreak my Heart, na umamin sa kung ano ang pinaka-nakababaliw niyang ginawa nang mabigo sa pag-ibig.

Inamin ni Joshua na nagbabad siya sa computer ng dalawang araw na halos walang ligo.

Ito ang isiangot ni Joshua nang matanong sa  kung ano ang craziest thing na nagawa niya noong heartbroken siya.

Pag-amin ni Joshua na nangyari iyon noong pandemic, Aniya, natatadaan niyang nagbabad siya sa computer ng dalawang araw na walang liguan at walang tayuan.

“‘Yung computer nakatulong sa akin, it’s an escape for me,” paliwanag ng binata.

Pero naisio niyang hindi rin nakatulong  sa kanya ang ginawang iyon.

“Kasi naging escape siya roon sa nararamdaman ko. Noong nagsawa ako sa computer, mas doon ko naramdaman lahat. Doon ko nai-process lahat,” sambit ni Joshua.

At nawala lang ang sama ng loob at hinanakit niya nang tinanggap niya ang nangyari sa kanya. 

Bagamat hindi tinukoy ni Joshua kung sino ang girl na tinutukoy niyang nakasakit ng kanyang puso, alam naman nating ang huling public relationship niya ay ang sa kanila ni Julia Barretto.

Samantala, ang Unbreak my Heart ang unang-unang collaboration ng dalawang industry giants na ABS-CBN and GMA-7.  Bukod kay Joshua, tampok din sina Jodi Santa Maria at Gabbi Garcia gayundin sina Laurice Guillen, Richard Yap, Sunshine Cruz at marami pang iba.

Kinunan sa mga scenic location ng Switzerland, Italy, at Pilipinas ang serye. Ipinrodyus ito ng Dreamscape Entertainment at idinirehe nina Manny Palo at Dolly Dulu.

Nagsimula ang pagpapalabas ng Unbreak My Heart kahapon, May 29, 9:35 p.m.  sa GMA Telebabad, Pinoy Hits and I Heart Movies. Mapapanood din ito sa Viu.  

Ang istorya ay uko sa isang bawal na pag–ibig na magdadala ng sakit at hinagpis sa mga karakter nina Jodi, Richard, Gabbi, at Joshua. 

Iikot ang kuwento kay Rose (Jodi), isang babaeng durog na durog ang puso dahil sa kanyang masalimuot na nakaraan at ngayon ay gustong mabuo muli ang kanyang pamilya matapos niya itong iwanan. 

Sa kalagitnaan ng pagtatama ng kanyang mga kasalanan, mahuhulog ang loob ni Rose kay Renz (Joshua), isang gwapong lalaking magiging sandalan niya sa kabila ng mga personal na problema nito at mauuwi sila sa kapana-panabik na May-September love affair. 

Sa kabila nito, makikilala ni Renz ang isang sexy at magandang babaeng si Alex (Gabbi) na handang ipaglaban ang kanilang nabuong pag-iibigan. 

Magiging komplikado ang buhay nina Rose, Renz, at Alex dahil maiipit sila sa love triangle. Iigting pa lalo ang kanilang mga emosyon dahil sa patong-patong na mga problema nang sumulpot si Matt (Richard) sa kanilang mga buhay para protektahan ang pamilya niya. 

Mapapakinggan din sa serye ang official soundtrack tampok ang mga awitin nina Christian Bautista, Bey, at Moira dela Torre. 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

DOST CINCO Digital ESWF BB 88 ENTER BATTLE ZONE 2026 SALPAKAN Vi the Game Competitions

DOST, CINCO Digital, ESWF, and BB 88 Expand ENTER BATTLE ZONE 2026 with SALPAKAN and Vi the Game Competitions

Bicutan, Taguig City — The Department of Science and Technology (DOST), in partnership with key …

MTRCB Lala Sotto MMPRESS

MTRCB, Netflix, Viu magtutulungan regulasyon na ipalalabas

I-FLEXni Jun Nardo ISA sa layunin ng pamunuan ng MTRCB na si Chairwoman Lala Sotto eh palaganapin at ituro …

Liza Soberano

Liza Soberano nag-iingay na naman

PUSH NA’YANni Ambet Nabus ITONG si Liza Soberano, kahit hindi na based ang career sa bansa …

Will Ashley Mika Salamanca

Will at Mika na-bash sa patakip-takip ng mukha sa HK

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “Ang arte naman. Nasa Hongkong na eh may patakip-takip pa ng …

Richard Gutierrez Barbie Imperial

Richard at Barbie package deal?

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “What you see is what you get,” nga ang kapwa nasabi nina Richard …