Monday , December 29 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Jayda Avanzado Aljon Mendoza Teen Clash

Aljon madalas titigan ni Jayda

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

AMINADO si Aljon Mendoza na may mga pagkakataong nailang siya sa mga titig sa kanya ng kaparehang si Jayda Avanzado sa Teen Clash sa iWantTFC

Sa buong finale mediacon ng Teen Clash, napansin naming iba nga tumitig ang dalaga nina Jessa Zaragoza at Dingdong Avanzado kaya naman naintriga kami at natanong ito.

Paliwanag ni Jayda na napakagaling pa lang kumanta, “It’s a running joke actually on set na ang tawag nila sa akin ay Bambie. Honestly when I look at him (Aljon) it’s really the fact that I want to be attentive and I’d like hearing what he has to say. 

“I always say this to Aljon, I love hearing what goes on to in his mind and minsan kahit ‘yung sa mga conversation na he feels that he doesn’t express what’s in his heart, well I’d love to understand. So I think I like listening to the topic,” esplika ng dalaga.

Pag-amin naman ni Aljon, noong una’y medyo nailang din siya at nasasabi niya sa sarili na baka may dumi siya sa mukha kaya ganoon tumingin sa kanya ang dalaga. 

“Kaya madalas kong sinasabi na good listener talaga si Jayda. Noong una nagugulat ako na bakit kaya siya tumititig sa akin, parang may dumi ba sa mukha ko? And siyempre habang tumatagal malalaman mo ang mga reason sa mga bagay-bagay. So, ayun na-appreciate ko siya kasi nakikinig and hindi siya parang me-ma lang, nakikinig talaga siya,” pagtatanggol ni Aljon kay Jayda. 

Samantala, sa pagtatapos ng Teen Clash, maguguluhan ang puso ni Zoe (Jayda) sa namumuong pag-iibigan nila ni Ice (Aljon) at sa pangarap niyang music career kasama ang ex-crush niyang si Jude (Markus Paterson).

Muntik nang makuha ni Ice ang matamis na ‘oo’ ni Zoe at magiging “official” na sana sila bilang magkasintahan ngunit biglang bumalik si Jude sa buhay ni Zoe. Pagkatapos kasing i-”ghost” ni Jude si Zoe, inamin na niyang may gusto siya kay Zoe at nais na rin niyang ibalik muli ang tambalan nilang ‘ZoJu’ na minahal ng music fans.

Pero kahit si Jude ang dahilan nang pagiging broken-hearted ni Zoe noon, maaaring magbago iyon at tuluyan na silang magkamabutihan dahil inaalok ang ZoJu ng isang bigating music deal sa Amerika, isang bagay na matagal nang pinapangarap ni Zoe. 

Kung tatanggapin ni Zoe ang alok, kailangan niyang talikuran si Ice at ang banda nilang ‘Teen Clash,’ pati na rin ang pangarap nilang mag-champion sa ‘Music Jam.’

Sino kina Ice at Jude ang magwawagi sa puso ni Zoe? Pipiliin ba ni Zoe ang ZoJu kaysa ang Teen Clash?

Panoorin ang huling episode ng Teen Clash, 8:00 p.m. sa iWantTFC app (iOs at Android) o website. Mapapanood din ang iWantTFC sa mas malaking screen sa piling devices gaya ng VEWD, ROKU at Amazon Fire streaming devices, Android TV, piling Samsung Smart TV models, Telstra TV (available lamang sa Australia) para sa users sa labas ng Pilipinas, at VIDAA para sa piling mga bansa.  

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Water Plus Productions Marynette Gamboa Bodies Next Gen

Water Plus Productions ng produ na si Marynette Gamboa, maraming projects para sa Bodies: Next Gen

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio MASAYA ang ginanap na Christmas party ng Water Plus Productions ng producer …

MagicVoyz A Magical Christmas Show

Pamaskong Handog Concert ng Magicvoyz  matagumpay

MATABILni John Fontanilla SUCCESSFUL ang Pamaskong handog concert  ng grupong MagicVoyz , ang A Magical Christmas Show na ginanap noong …

Ashley Rivera white castle

Ashley Rivera bagong White Castle calendar girl

MATABILni John Fontanilla ANG aktres at content creator na si Ashley Rivera ang 2026 White Castle Whisky …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald pamparelaks ang pag-akyat sa bundok

RATED Rni Rommel Gonzales MALAKING pribilehiyo kay Gerald Anderson na mapasama ang pelikulang Rekonek sa 51st Metro Manila Film Festival …

Jennifer Lee Mark Aries Luancing

Jennifer Lee ikinasal sa isang konsehal ng Lipa; Matagumpay na ring DJ

RATED Rni Rommel Gonzales NAGKAKILALA sina Jennifer Lee at Konsehal Mark Aries Luancing sa Lipa, Batangas noong 2021. Si …