Saturday , November 16 2024
Christian Bables Andrea Brillantes

Christian ok lang ma-typecast sa pagbabading

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

KAHANGA-HANGA ang ibinigay na katwiran ni Christian Bables sa kung bakit patuloy siyang tumatanggap ng mga role na beki gayung ang ibang aktor ay minsan lang dahil sa katwirang ayaw nilang ma-typecast.

Sa mediacon ng pinakabagong IWantTFC digital series na Drag You & Me na pinagbibidahan nila ni Andrea Brillantes, matapang na sinabi ni Christian na hindi siya takot ma-typecast. 

Kasi kung walang tatanggap ng mga ganitong role, kung iilan lang kami, I must say na mayroong tapang, doon ko na lang tatapusin. 

“Iilan lang kaming may tapang mag-accept ng mga ganitong klaseng characters kasi ‘yung iba natatakot ma-typecast, ‘yung iba natatakot ma-tag as ganito, ganyan.  

“Ako kasi, for as long as the character being offered to me is a living, breathing character, a character full of heart and life, gagampanan ko ‘yan.

“Sabi ko nga sa mga interview, kahit na tutubi pa ‘yan ay gagagmpanan ko basta something n relevant at makakapagbigay ng boses doon sa mga voiceless,” mahabang paliwanag ng mahusay na aktor. 

Natanong naman ang direktor nitong si JP Habac kung bakit ngayon lang nagkaroon ng pagkakataong makagawa ng series na ukol sa mga drag queen?

“Actually lagi ko rin ‘yang itinatanong kapag gumagawa ako ng series o pelikula. Kasi parang kung iisipin noong bata pa ako wala ka talagang mapapanood na ganitong klaseng palabas. 

“And kung mayroon akong napanood na ganitong klaseng palabas hindi siguro ako maduduwag. Mas magiging matapang ako habang lumalaki, pero wala akong napanood na ganitong klaseng palabas.

“So, kung tinatanong ko ang sarili ko o ang universe, ang nakukuha kong sagot, ay at least mayroon na. Hindi man ako nakaranas ng ganitong palabas noong bata ako, at least ang mga bata ngayon, ang queer kids na makakapanood nito, makikita na nila ang sarili nila on screen, sa media, at sa mainstream. Kasi like for example, like ‘yung mga BL series sa mga Youtube lang lumalabas na parang hindi accessible sa lahat.

“Pero with this kind of show na nasa mainstream na, I think iyon siguro ang masaya, roon ako nagiging masaya as a creator, as a filmmaker na mas magkakaroon na ng, parang maire-represent na ng tama iyong community sa mainstream na iyon,” katwiran ni direk JP.

At ang dahilan naman ni direk JP kung bakit babae ang kailangang magbida, (Andrea), “Iyon ang una kong tanong kung bakit babae ang nasa forefront ng story. And I think nasasagot ko siya, iyong struggles kasi ng community ng mga babae hindi lang dito sa Pilipinas kundi sa buong mundo, hindi pa rin sila nakararanas ng same right, same treatment na nakukuha ng mga straight men. And I think ang struggles ng community and women are same ground. Iyong nakukuhang discrimination, treatment, so I think magandang ipakita rin na iisa ang ipinaglalaban at gustong makuha from this,” paliwanag pa ng direktor. 

Tampok din sa Drag You and Me bukod kina Christian at Andrea sina Romnick Sarmenta, KaladKaren Davila, Ice Seguerra, Jon Santos, Cris Villanueva, Albie Casiño, Lance Carr, PJ Endrinal, Jeric Raval, Amy Nobleza, Noel Comia Jr., at Yves Flores kasama ang real-life drag queens na sina Brigiding, Viñas Deluxe, Xilhouete, at Precious Paula Nicole, pati ang special guests na sina Flor Bien Jr. at Rico Reyes mula sa Home from the Golden Gays.

Mapapanood na ito sa Hunyo 2 sa iWantTFC app (iOs at Android) o website.

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Robbie Jaworski Andres Muhlach

Robbie Jaworski pantapat ng ABS-CBN kay Andres Muhlach ng TV5

HATAWANni Ed de Leon UY pumasok pala sa ABS-CBN si Robbie Jaworski, anak nina Dudot Jaworski at Mikee Cojuangco na mukhang …

Dominic Pangilinan Paul Singh Cudail Ako Si Juan

Direk Paul Singh Cudail, balik pelikula via ‘Ako Si Juan’

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGSIMULANG maging direktor ng pelikula Paul Singh Cudail noong 2011. …

Tom Rodriguez

Tom sa pagkakaroon ng anak: Napakasarap palang maging isang ama

RATED Rni Rommel Gonzales NAPAKAGWAPO ng anak ni Tom Rodriguez. Very proud siya na ipinakita mismo …

Lala Sotto-Antonio MTRCB ICC

Responsableng Panonood ng MTRCB pinuri sa ICC, Bangkok

BINIGYANG-DIIN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto-Antonio na obligasyon ng mga …

Sa pagwawakas ng politically charged teleserye Pamilya Sagrado 
PIOLO SUPORTADO PARTYLIST NA TAPAT SA KANYANG PRINSIPYO 

KAPANA-PANABIK ang pagtatapos ng socio-political-action drama teleserye ni Piolo Pascual, ang Pamilya Sagrado sa ABS-CBN bukas. At dahil dito hindi …