Sunday , December 22 2024
Bruno Mars Concert 2

Bruno Mars concert sa ‘Pinas dinagdagan pa ng isang araw

KASUNOD ng matagumpay na 120,000-strong Summer Blast 2023 crowd attendance, ang two-day concert naman ni Filipino-American multiple Grammy winner na si Bruno Mars ang inaabangang event sa Philippine Arena.

Sa kabila nga ng gahiganteng 55,000 capacity ng world’s largest indoor arena, kinailangan pang magdagdag ng isang araw ng concert para makapanood ang mas maraming tagahanga ng international singer.

Ang naunang inianunsiyo na June 24 concert ay masusundan kaagad ng isa pa, sa June 25, dahil na rin sa ‘overwhelming demand’ para sa tickets. Ganyan karami ang Pinoy fans na nagmamahal sa Fil-Am singer.

Proud naman si Bruno Mars sa kanyang Filipino roots. Puerto Rican ang kanyang ama at Pinay naman ang kanyang ina bagaman isinilang siya sa Hawaii. Sa isang interview noon, sinabi nitong chicken adobo ang paborito niyang pagkaing Pinoy. 

Nagpadala ito noon ng $100,000 na tulong sa mga biktima ng bagyong Yolanda pagkatapos ng 2014 concert nito sa Pilipinas.

Nakilala si Bruno Mars sa mga kantang Billionaire, Just the Way You Are, Treasure, Leave the Door Open, When I Was Your Man, at marami pang iba. 

Hinangaan siya ng marami dahil sa kanyang galing sa paggawa ng musika, pagtatanghal at pagiging mapagmahal nito sa fans.

Isa lamang siya sa malalaking artists na nakalinyang magtanghal sa Philippine Arena ngayong taon.

Hitik sa international concerts ang Philippine Arena dahil sa dobleng laki ng venue kompara sa mga nakasanayang indoor concert venues sa bansa. Maliban sa mas marami ang nakakapanood, mismong mga artist ang naaaliw sa mas malakas, mas maingay, at mas energetic na crowd na sumasabay sa kanilang pagkanta at pagsayaw.

Tila nagsisilbi ring barometro ang Philippine Arena sa katanyagan ng international artists sa bansa. Talaga namang tinangkilik ang concert ng SEVENTEEN, BLACKPINK, at ni Harry Styles. Sa ulat ng local media, SEVENTEEN ang kauna-unahang K-Pop group na nakapuno ng Philippine Arena. ‘Full force’ naman ang BLINKs o fans ng BLACKPINK sa two-day concert ng grupo.

Lalo pa ngang pinagaganda ng organizers ang concert experience sa Philippine Arena. Panibagong sistema ng traffic flow management ang ipinatutupad habang sinisiguro rin ang transportasyon ng mga gustong makapunta sa venue para manood.

Kaya inaasahang magiging masaya at makabuluhan ang pagtatanghal ni Bruno Mars sa Philippine Arena. Mas malaking venue at mas maraming fans ang makakapanood sa ating kababayan na nakilala sa buong mundo dahil sa kanyang husay sa larangan ng musika.

Para sa tickets at iba pang katanungan, bisitahin ang https://www.livenation.ph/. (MValdez)

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Joel Cruz P25-M 25th anniversay Aficionado 

Joel Cruz mamimigay ng P25-M sa 25th anniversay ng Aficionado 

MATABILni John Fontanilla MAMAMAHAGI ng P25-M ang tinaguriang Lord Of Scents na si Joel Cruz …

Enrico Roque

Paghuli kay Mayor Roque nakabibigla

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SOBRANG shock din ang mga nakakikilala kay Pandi, Bulacan Mayor Enrico …

Bobby Garcia

Theater director Bobby Garcia pumanaw sa edad 55

PUSH NA’YANni Ambet Nabus PUMANAW na rin at 55 years old ang kilalang stage actor-producer-director …

MMFF50

Sampung pelikula para sa MMFF50, binigyan ng angkop na klasipikasyon ng MTRCB

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ILANG araw bago ang Kapaskuhan, inilabas na ng Movie and …

MMFF 2024 MTRCB

Mga pelikula sa MMFF, binigyan ng angkop na klasipikasyon ng MTRCB

INILABAS na ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) ang angkop na klasipikasyon …