Sunday , December 22 2024
Arjo Atayde Topakk

Topakk ni Arjo Atayde ii-screen sa Cannes’ Marche du Film Fastastic Pavilion

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

NAKATUTUWANG pagkatapos ng matagumpay na Blue Carpet Screening ng Cattleya Killer na pinagbibidahan ni Arjo Atayde at mapapanood na simula June 1 sa Prime Video, heto’t isang pelikula na naman niya ang ii-screen sa Cannes. 

Isa nga ang Topakk na pinagbibidahan din ni  Arjo sa pitong pelikulang kasama sa  gala screening ng Cannes’ Marché du Film Fantastic Pavilion ngayong taon. Magaganap ang screening sa Olympia Theater ngayong araw, May 18.

Noong Martes lumipad ang grupo ni Arjo kasama sina Sylvia Sanchez at Papa Art Atayde para sa isasagawang screening.

Ang Topakk ay ukol kay Miguel (Arjo), isang security guard na natanggal sa pagka-militar dahil sa pagkakaroon ng PTSD. Nasangkot siya sa ibat ibang klase ng gulo simula nang hingan siya ng tulong bilang proteksiyon ng isang batang babae laban sa mga corrupt na  police death squad. 

“It’s my dream to show the world what pure Pinoy action cinema is all about,” ani direk Richard Somes sa isang interbyu sa kanya ng Variety.

Kasama ni Arjo na nagtungo sa Cannes sina direk Richard at Enchong Dee na bida rin sa pelikula. Kasama rin sa pelikula si Julia Montes.

Dreams do come true. See you #CannesFilmFestival,” post ni Enchong sa kanyang  Instagram kasama ang kanyang solo picture.

Isang group picture naman ang ibinahagi ni Arjo na nagpapakita ng kanilang grupo na nasa France na sila.

Bago naman lumipad patungong France, isang post ang ibinahagi ni Sylvia sa kanyang social media account ukol sa kung gaano sila kasaya na makasama ang Topakk sa Cannes’ Fantastic Pavilion Gala. 

Ani Sylvia, dugo’t pawis, maraming sleepless nights ang binuno nila para matapos at mabuo ang pelikulang Topakk na handog ngNathan Studios, Fusee, at Strawdogs.

Sinabi pa ni Sylvia kung gaano siya ka-proud at kasaya sa pelikulang ito.

Minsan nang nasabi ni Sylvia sa isang pakikipaghuntahan sa kanya na advocacy nila na mai-showcase ang galing mga Pinoy.

Narito ang kabuuan ng mensahe ni Sylvia ukol sa kanilang pelikulang Topakk.

After many months of sleepless nights and  hard work, Nathan Studios, Fusee, and Strawdogs are entering an exciting new chapter in the on-going journey of TOPAKK as we are given the chance to showcase our film over at Cannes’ Fantastic Pavilion Gala this May 18. 

“This movie ushers in a fantastic, new imagining of the action-thriller genre by a proudly Pinoy filmmaker.

“This makes me unimaginably happy & proud! 

“I’m hoping for the best as we sell TOPAKK in Cannes in our advocacy to showcase Filipino talent at its finest!

“TOPAKK is IN!!! For the first time, Cannes Marché du Film will have a FANTASTIC PAVILION Galas!

“Our action-thriller movie from the Philippines, Topakk (Trigger) by director Richard Somes, has been selected as 1 of the 7 genre films to be screened and featured during the festivities.

“Wohooo! Congratulations to the entire TOPAKK team! Mabuhay kayo!

“The movie stars Arjo Atayde, Julia Montes, Sid Lucero with Enchong Dee, Kokoy De Santos to name some of the amazing ensemble cast.

“Produced by Nathan Studios, Strawdogs Studio Production, FUSEE in association with our International Sales partner Raven Banner Entertainment.”

Bukod sa Topakk, ang iba pang pelikulang ii-screen sa new genre-focused Fantastic Pavilion ay ang Boogeyman: The Origin of the Myth at While the Masters Sleep ng  Spain, The Bystanders at Departing Senios ng United States at Failure at Sign Here ng Mexico.

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Joel Cruz P25-M 25th anniversay Aficionado 

Joel Cruz mamimigay ng P25-M sa 25th anniversay ng Aficionado 

MATABILni John Fontanilla MAMAMAHAGI ng P25-M ang tinaguriang Lord Of Scents na si Joel Cruz …

Enrico Roque

Paghuli kay Mayor Roque nakabibigla

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SOBRANG shock din ang mga nakakikilala kay Pandi, Bulacan Mayor Enrico …

Bobby Garcia

Theater director Bobby Garcia pumanaw sa edad 55

PUSH NA’YANni Ambet Nabus PUMANAW na rin at 55 years old ang kilalang stage actor-producer-director …

MMFF50

Sampung pelikula para sa MMFF50, binigyan ng angkop na klasipikasyon ng MTRCB

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ILANG araw bago ang Kapaskuhan, inilabas na ng Movie and …

MMFF 2024 MTRCB

Mga pelikula sa MMFF, binigyan ng angkop na klasipikasyon ng MTRCB

INILABAS na ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) ang angkop na klasipikasyon …