MATABIL
ni John Fontanilla
PINASAYA nina Elijah Alejo, Dindi Pajares, at Herlene Nicole Budol ang Grand Santacruzan na ginanap sa Baranggay Lati, Orion Bataan last May 8.
Kasamang sumagala nina Elijah, Nicole, at Herlene ang 12 naggagandahang dilag ng Baranggay Lati suot ang kani-kanilang gown mula sa mga sikat na designer ng Orion, Bataan.
Sumagala rin bilang escort sina Klinton Start, Wize Estabillo, Teejay Marquez, at Wilbert Tolentino.
Dinumog at pinagkaguluhan ng ‘di maawat na netizens ng Bataan ang mga artistang sumagala lalo na nang isa-isa nang nagpa-picture ang mga ito kina Elijah, Herlene, Dindi, Wilbert, Wize, Klinton, at Teejay.
Ang engrandeng Santacruzan ay hatid nina Hermana Mayora Ma Cecilia Bravo at Don Pedro Bravo katulong ang masipag na Kapitan ng Baranggay Lati na si Kap. Jesselton Manaid at Mayor Antonio Raymundo Jr..
Bukod sa sagala, nagkaroon ng maliit na pagtatanghal sina Jopper Ril, Ejay Arrieta, Sephy Francisco, Ima Castro, La Familia Band, Wize Estabillo, at Klinton Start. Hosted by Janna Chu Chu at John Nite, directed By Raoul Barbosa at assistant director, Jeffrey Dizon.