Monday , November 25 2024
Arjo Atayde Cattleya Killer

Cattleya Killer ni Arjo kaabang-abang 

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

HINDI na kataka-taka kung nasabi ni Arjo Atayde na isa sa paborito niyang pelikulang nagawa ang Cattleya Killer. Bakit naman hindi? Kakaiba ang karakter na ginagampanan niya bilang si Anton dela Rosa na anak ni Christopher de Leon at kapatid ni Jake Cuenca.

Kung pagbabasehan namin ang napanood na ilang tagpo sa Cattleya Killer sa isinagawang Blue Carpet Screeninghindi namin matukoy o mabasa pa ang karakter niya dahil may mga tagpong mabait, luko-luko o tila nasisiraan ng bait, matino/maayos ang pagkatao ni Arjo.

Kaya talagang nakaiintriga lalo’t ipinasilip ang mga maiinit na tagpong dapat abangan sa mga susunod na six part series ng pelikulang idinirehe ni Dan Villegas. Na pagkatapos ipakita’y talaga namang napapalakpak ang lahat dahil sa dami ng makapigil-hiningang tagpo.

Ayon kay Arjo, ilang beses niyang pinanood ang pelikulang pinagbidahan noon ni Aga Muhlach na ukol sa isang psychopatic serial killer na pumapatay ng unfaithful married women.

It’s one of my favorite films. Definitely one of the hit films before, and also definitely everyone I’m sure has seen the film.”

At para mapaghandaang mabuti ang karakter na ginampanan, ibinahagi ni Arjo nA nanood siya ng documentaries at videos, at nag-research para sa pelikula.

They created a character. I just tried to get into it, and just went with the flow. And with all the actors I’m with, it was much easier to work very much,” sabi pa ni Anjo.

At dahil napakabigat ng karakter na ginagampanan ni Arjo natanong ito kung paano  kumawala sa ganoong kabigat na role.

I don’t know how to explain how I really get into the character. There’s a lot of analyzing in the beginning.

“Especially when direk Danny was trying to explain specifically how the character should be.

“I can’t explain, eh. Definitely I just try to get into the character, I just went with every flow based on instinct.

“Definitely with the guidance of… again what Direk and the production wanted for Anton de Rosa’s personality to be, for his being.

“So definitely it was all studied, and I was helped by the production and Direk.”

Isa sa paborito naming eksena kay Arjo ay iyong dinilaan niya ang babaeng patay. Kung bakit at paano, iyon ang dapat ninyong mapanood. Nakaiintriga talaga.

Bukod kina Arjo, Boyet, at Jake, kasama rin sa pelikulang ito sina Zsa Zsa Padilla, Jane Oineza, Ria Atayde, Nonie Buencamino, Rafa Siguion-Reyna, Joel Sarracho, Ketchup Eusebio, at Ricky Davao.

Ang Cattleya Killer ay prodyus ng  Nathan Studios at ABS-CBN International Productions at mapapanood na around the world simula June 1 sa Prime Video. 

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

John Arcenas IDOL The April Boy Regino Story

John humanga sa sobrang makapamilya ni April Boy

RATED Rni Rommel Gonzales UNANG lead role ni John Arcenas ang pagganap bilang yumaong music legend na …

Malou de Guzman Silay Francine Diaz

Malou de Guzman sa pagbibida: sinong aayaw doon

RATED Rni Rommel Gonzales SA tagal niya sa industriya, halos apat na dekada, sa wakas …

Kang Mak

Kang Mak a feel good horror-comedy

HARD TALKni Pilar Mateo NGAYON lang ako in a long time, natawa ng tawang-tawa. At …

Kathryn Bernardo Alden Richards Cathy Garcia Molina Sampana Hello Love Again

Hello, Love, Again patuloy na tumatabo,  world premiere sa US, Canada, Dubai kasado na

MA at PAni Rommel Placente PANIBAGONG history na naman ang naitala ng pelikulang Hello, Love, Again. …

Enrique Gil

Bagong serye ni Enrique sa Europe kukunan

MA at PAni Rommel Placente MAGIGING masaya ang mga faney ni Enrique Gil dahil sa wakas ay …