I-FLEX
ni Jun Nardo
PORMAL nang pumirma ng kontrata sa GMA News and Public Affairs si Matteo Guidicelli.
Si Matteo rin ang nasa video plug ng GMA News and Public Affairs na bagong member ng Unang Hirit.
Pero more on public service ang segment ni Matteo sa Kapuso morning show.
Isang Viva artist si Matteo kaya walang problema kung maging bahagi siya ng GMA dahil nakikipag-collab din ang Viva sa Kapuso network.