Thursday , December 26 2024
Arjo Atayde Cattleya Killer

Cattleya Killer ni Arjo mapapanood na sa Prime Video simula Hunyo 1

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

MAPAPANOOD na simula Hunyo 1 ang Amazon Exclusive crime-thriller series na Cattleya Killer na pinagbibidahan ni 2020 Asian Academy Creative Awards Best Actor Arjo Atayde sa Southeast Asia, Hong Kong, Taiwan, at iba pang piling teritoryo na may Prime Video.

Ito rin ang unang local series collaboration ng Prime Video at ABS-CBN na patuloy na nagsusulong sa talento ng Filipino pati na ng kuwentong Pinoy sa buong mundo.

Bukod kay Arjo, bida rin sa six-episode series ng ABS-CBN International Production at Nathan Studios sina Jake Cuenca, Zsa Zsa Padilla, Jane Oineza, Ria Atayde, Ricky Davao, Nonie Buencamino, at Christopher de Leon.

We’re excited to continue pushing the boundaries and to deliver world-class entertainment made by the best Filipino talents,” ani David Simonsen, director ng Prime Video Southeast Asia. “We believe with its gripping storyline, dynamic characters, and stunning performances, ‘Cattleya Killer’ will keep our audiences at the edge of their seats.”

Crime stories have always been fan favorites, proven by the success of different true-crime series across different formats and territories,” sabi naman ni Ruel S. Bayani, head ng ABS-CBN International Production. “For us, the Philippines’ Cattleya Killer is another must-watch, as it tackles the dark human psyche. It also showcases issues rooted in family, government and society.”

Batay sa classic ‘90s film na Sa Aking Mga Kamay ang Cattleya Killer na idinirehe ni Dan Villegas, habang isinulat naman ni Dodo Dayao ang script.   

Babalikan ng serye si Joven de la Rosa (Christopher), ang pulis na nakalutas sa kaso ng Cattleya Killer na ngayon ay NBI deputy director na. Isa sa mga top agent ng NBI ang anak ni Joven na si Anton (Arjo), habang ang panganay niyang si Benjie (Jake) ay namamahala ng isang foundation para sa mga kababaihang nakaranas ng trauma. 

Muli silang mumultuhin ng nakaraan matapos may isang bangkay ng babaeng natagpuan na may bulaklak ng Cattleya sa mukha na estilo ng ‘Cattleya’ serial killer na si Gene Rivera (karakter ni Aga Muhlach sa pelikulang Sa Aking Mga Kamay) na gumawa ng maraming karumal-dumal na pagpaslang sa Maynila 20 taon na ang nakalipas.

Available ang Prime Video sa bansa sa halagang P149/month. Bukod saCattleya Killer, pwede ring i-stream sa Prime Video ang iba pang pelikulang Filipino at serye tulad ng  10 Little Mistresses, Deleter, Family Matters,  at Walang KaParis. Nasa Prime Video rin ang iba pang hit na serye at sine tulad ng Island and Jinny’s Kitchen, Citadel, The Lord of the Rings: The Rings of Power, The Boys, Tom Clancy’s Jack Ryan, Fleabag, at The Marvelous Mrs. Maisel.

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Robin Padilla Cannabis Marijuana

Robin iginiit benepisyong medikal na makukuha sa cannabis

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio MASIGASIG si Sen. Robin Padilla sa pagsusulong ng medical cannabis dahil naniniwala …

MMFF 2024 Parade of Stars

Parade of Stars nagningning, dinumog at pinagkaguluhan

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio STAR studded at matagumpay ang MMFF 2024 Parade of Stars noong Disyembre …

Korina Sanchez-Roxas Rachel Alejandro 

Alamin major heartbreak ni Rachel Alejandro

PANALO na naman ang latest episode ng Korina Interviews this Sunday, December 22, 6:00 p.m., on NET25. Sa …

Julia memorable shooting sa Japan

RATED Rni Rommel Gonzales SA bansang Japan kinunan ang kabuuan ng Hold Me Close na …

The Kingdom Piolo Pascual Vic Sotto

Vic kinarir pagda-drama, nakipagsagupa kina Piolo, Sue, Sid, at Cristine

MA at PAni Rommel Placente NAIMBITAHAN kami sa advance screening ng pelikulang The Kingdom na …