Saturday , January 24 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Miss Universe PH 2023

Miss Universe PH 2023 ipalalabas sa mga digital platform ng ABS-CBN sa Sabado 

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

MASASAKSIHAN ng mga manonood ang pinakamagandang araw sa Pilipinas dahil ipalalabas ng ABS-CBN ang Miss Universe Philippines (MUPH) coronation night sa pamamagitan ng mga digital streaming platform nito na iWantTFCABS-CBN Entertainment YouTube channel, at TFC sa Sabado (Mayo 13) simula 7:00 p.m..

Mapapanood ang MUPH ng live at on-demand sa buong mundo sa Youtube Channel ng ABS-CBN Entertainment at iWantTFC, habang available naman para sa mga manonood abroad ang live stream at replay nito sa TFC IPTV.

Magsisilbing hosts sina Xian Lim at Alden Richards at dadaluhan nina Miss Universe 2019 Zozibini Tunzi at Miss Universe 2022 R’Bonney Gabriel.

Magtatanghal naman sa coronation night ang Filipino-American singer na si Jessica Sanchez, na naging runner-up ng American Idol Season 11.

May 38 kandidata ang maglalaban-laban para sa pinakaaasam-asam na korona at kakatawan sa Pilipinas sa susunod na Miss Universe pageant.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

DOST CINCO Digital ESWF BB 88 ENTER BATTLE ZONE 2026 SALPAKAN Vi the Game Competitions

DOST, CINCO Digital, ESWF, and BB 88 Expand ENTER BATTLE ZONE 2026 with SALPAKAN and Vi the Game Competitions

Bicutan, Taguig City — The Department of Science and Technology (DOST), in partnership with key …

MTRCB Lala Sotto MMPRESS

MTRCB, Netflix, Viu magtutulungan regulasyon na ipalalabas

I-FLEXni Jun Nardo ISA sa layunin ng pamunuan ng MTRCB na si Chairwoman Lala Sotto eh palaganapin at ituro …

Liza Soberano

Liza Soberano nag-iingay na naman

PUSH NA’YANni Ambet Nabus ITONG si Liza Soberano, kahit hindi na based ang career sa bansa …

Will Ashley Mika Salamanca

Will at Mika na-bash sa patakip-takip ng mukha sa HK

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “Ang arte naman. Nasa Hongkong na eh may patakip-takip pa ng …

Richard Gutierrez Barbie Imperial

Richard at Barbie package deal?

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “What you see is what you get,” nga ang kapwa nasabi nina Richard …