Saturday , January 24 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Anne Jakrajutatip Boy Abunda Catriona Gray

May-ari ng Miss Universe Ms Anne Jakrajutatip nag-sorry kay Catriona Gray

IBINIDA ni Ms Anne Jakrajutatip, may-ari ng Miss Universe franchise na nag-sorry siya kay Catriona Gray.

Ito ang ibinahagi ni Anne nang mag-guest siya sa Fast Talk with Boy Abunda nang maurirat ukol sa naging issue sa kanila noon ng Miss Universe 2018.

Pagbabahagi ni Anne, “I just want it to get it out of my chest. Right now, clear, off the air.

“I told her, ‘I do apologize for whatever happened in the past, but I’m so glad you’re here in Thailand. Welcome to the family of JKN and Miss Universe Organization.’

“‘I love you, my dear, from the bottom of my heart,” ani Anne ukol sa sinabi niya kay Catriona noong nag-usap sila.

Aniya pa sinabi niya rin na, “I just need to do it. From now on, we have to work together, so just put the past away and don’t talk or mention it again.”

Humingi ng paumanhin si Ms Anne kay Catriona dahil noong 2019 ay kumalat ang tsismis na umano’y may relasyon siya kay Clint Bondad, ex-boyfriend ng beauty queen.

Ngunit idinenay ito ng bilyonaryang negosyante at sinabing parang “little brother” lang niya ang binata at walang malisya ang kanilang closeness.

Sinabi pa ni Anne kay Kuya Boy Abunda na ‘yun daw ang unang pagkakataon na nagkita sila nang personal ni Catriona at talagang sinamantala niya na magkausap sila.

Sabi pa ni Anne kay Kuya Boy, si Catriona ang favorite beauty queen niya.

Nasa bansa ang Thai billionaire para dumalo sa Miss Universe Philippines 2023 coronation night sa Sabado na magaganap sa SM Mall of Asia Arena.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

DOST CINCO Digital ESWF BB 88 ENTER BATTLE ZONE 2026 SALPAKAN Vi the Game Competitions

DOST, CINCO Digital, ESWF, and BB 88 Expand ENTER BATTLE ZONE 2026 with SALPAKAN and Vi the Game Competitions

Bicutan, Taguig City — The Department of Science and Technology (DOST), in partnership with key …

MTRCB Lala Sotto MMPRESS

MTRCB, Netflix, Viu magtutulungan regulasyon na ipalalabas

I-FLEXni Jun Nardo ISA sa layunin ng pamunuan ng MTRCB na si Chairwoman Lala Sotto eh palaganapin at ituro …

Liza Soberano

Liza Soberano nag-iingay na naman

PUSH NA’YANni Ambet Nabus ITONG si Liza Soberano, kahit hindi na based ang career sa bansa …

Will Ashley Mika Salamanca

Will at Mika na-bash sa patakip-takip ng mukha sa HK

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “Ang arte naman. Nasa Hongkong na eh may patakip-takip pa ng …

Richard Gutierrez Barbie Imperial

Richard at Barbie package deal?

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “What you see is what you get,” nga ang kapwa nasabi nina Richard …