Monday , December 23 2024
Sylvia Sanchez Rebound Ria Atayde

Sylvia naiyak, natuwa sa Korean movie na Rebound; Namba-bash kay Ria, sinupalpal

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

GANDANG-GANDA at talagang napapa-‘Oh my God, oh my God!’ si Sylvia Sanchez matapos nitong mapanood ang pelikulang Rebound, na base sa true story ng Busan Jungang High School Basketball Team. Dinala ito at ipinamamahagi ng 888 Films International sa Pilipinas at mapapanood na sa mga sinehan simula bukas, May 3.

Napakaganda kasi ng mensahe ng pelikulang Rebound, ito iyong don’t give up on the things that you love. Kaya naman super relate ang magaling na aktres sa mensaheng ito ng pelikula na pinagbibidahan nina Ahn Jae-hong(Time to Hunt), Lee Sin-young (TV’s Crash Landing On You), Jung Jin-woon, Kim Teak, Jung Gun-joo, Kim Min, at Ahn Ji-ho.  

Sabi nga ni Sylvia sa pelikula matapos mapanood ito sa isinagawang private screening sa Fisher Mal Cinema, “Hindi sila nagpapaiyak pero ikaw ang iiyak kaya sa May 3 panoorin n’yo na, ang ganda-gandang pelikula.”

Dagdag pa ni Sylvia, “Oh my God… ang message niya na, ‘don’t give up ont he things that you love,’ importante ‘yun and talagang kahit anong aspeto ng buhay kapag may mga kasama ka kailangan theme work talaga. At ‘wag kang mawawalan ng pag-asa kailangan mong maniwala sa sarili mo na kaya mo. Iyan ang ipinakita sa pelikulang ‘Rebound.’” 

Ang Rebond ay mula sa panulat nina Kwon Sung-hui (The Spy Gone North) at Kim Eun-hee (Netflix’s Kingdom), at idinirehe ni Chang Hang-jun (Forgotten). Ang istorya ng Rebound ay tumatalakay sa dating basketbolista na nagbalik sa kanyang alma mater para maging coach sa anim na player. Sa kanyang pagbabalik tila gusto niyang isakatuparan ang hindi niya nagawa noong kabataan niya. Na akala niya’y maisasakatuparan sa pagbuo ng koponan. Subalit may ibang natutunan siya sa pagkakabuo ng koponan na bagamat anim lamang sila’y may magandang karanasan at matututunan ang bawat isa sa kanilang pagsasama.

Sila rin ang koponang pinakakawa dahil anim lamang ang players. Kumbaga eh kulelat sila at minamaliit. Sa anim ay na-injured pa ang isa sa pinakamagaling maglaro kaya naman napilitang ipasok ang isang manlalaro na walang karanasan sa paglalaro ng basketball, walang alam subalit gustong-gusto namang magbasketbol. 

Kung paanong nakaabot sila sa Finals ng national tournament ‘yun ang interesting panoorin. Dagdag pa ang mga natutunan at aral na makukuha habang tinatahak na makilala sila sa larangan ng basketbol. 

Base ang pelikulang Rebound sa true story ng Busan Jungang High School Basketball Team. Sila ang koponang bagamat anim lamang ang manlalaro ay milagrong nakarating sa national competition tournament noong 2012. Kaya watch n’yo na dahil tiyak mapapasigaw at mapapapalakpak kayo habang nanonood ng laro ng grupo.

Samantala, sinuportahan ni Sylvia ang private screening ng Rebound kasama ang mga kaibigang sina Alma Concepcion, Anne Feo at iba pa bilang tulong sa kaibigang si Ms Tetet Chia, may-ari ng 888 Films Int’l.

Yes tulong ko ito sa kaibigan kong si Tetet ng 888 Films International, tulungan kami. Sabi nga tulungan bilang kaibigan, tulad ng mensahe ng movie na ito. Oh my God, Oh my God, ang ganda ng pelikula. Ang ending, hindi ninyo aakalain na ‘yon ang ending, ayaw kong sabihin pero hindi mo aakalain na iyon, ayaw kong i-preemt, basta ang ganda ng pelikula,” excited na tinuran ni Sylvia.

At dahil aktibo ngayon sa pagpo-produce ng pelikula at concert si Sylvia tulad ng Becoming Ice ni Ice Seguerra na katatapos lamang isagawa sa Davao (after gawin sa Cebu at sa Metro Manila) natanong ito kung iiwan na niya ang pag-arte.

“Hindi. Nagpo-produce ako pero babalik pa rin ako sa (paggawa) teleserye,” sagot ni Sylvia. “May movie na rin akong gagawin itong May, June, July at ang teleserye ko gagawin ko rin sa July,” sabi pa ng magaling na aktres. 

Iginiit pa ni Ibyang (tawag kay Sylvia) na, “Siyempre hindi ko igi-give up ang first love ko. ang acting. Pero at the same time dahil andito na ako sa showbiz,  nagpo-produce na rin ako,” paliwanag pa niya.

Ibinalita pa ni Sylvia na dadalhin nila abroad ang Becoming Ice.

Yes, dadalhin abroad ang ‘Becoming Ice.’ Finaly madadala namin abroad then balik kami sa ‘Pinas sa September para gagawin naman namin sa Araneta. Pupunta rin kami ng ‘Topakk’ (movie nina Arjo Atayde at Julia Montes) sa May 16-24 para sa ‘Cannes Festival.’ Dadalhin namin ‘yung movie ni Cong Arjo. Ia-announce na lang namin kung ano gagawin doon,” sabi pa ng aktres. 

Sa huli natanong si Sylvia ukol sa wala pa ring tigil sa mga namba-bash sa kanyang anak na si Ria Atayde ukol sa body positivity at pagrampa nito sa Star Magic Summer Bikini  ball kasama ang iba pang mga Star Magic artists tulad nina Xyriel Manabat, Elisse Joson at iba pa. 

“Wala naman kundi, mamatay kayo sa inggit! ‘di ba hahaha,” natatawang tugon ni Sylvia.

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Julia memorable shooting sa Japan

RATED Rni Rommel Gonzales SA bansang Japan kinunan ang kabuuan ng Hold Me Close na …

The Kingdom Piolo Pascual Vic Sotto

Vic kinarir pagda-drama, nakipagsagupa kina Piolo, Sue, Sid, at Cristine

MA at PAni Rommel Placente NAIMBITAHAN kami sa advance screening ng pelikulang The Kingdom na …

Rufa Mae Quinto Trevor Magallanes

Rufa Mae go-go-go pa rin kahit maraming problema

MA at PAni Rommel Placente MARAMI ang humanga sa pagiging positibo ni Rufa Mae Quinto …

Vilma Santos Ed de Leon

Kaibigan ni Ate Vi at Hataw columnist Ed de Leon sumakabilang buhay

PUSH NA’YANni Ambet Nabus NAKAGUGULAT at nakabibigla ang mga pangyayari noong Wednesday. Sabay-sabay na sumambulat …

Joel Cruz P25-M 25th anniversay Aficionado 

Joel Cruz mamimigay ng P25-M sa 25th anniversay ng Aficionado 

MATABILni John Fontanilla MAMAMAHAGI ng P25-M ang tinaguriang Lord Of Scents na si Joel Cruz …