Monday , December 23 2024
Sanya Lopez

Sanya oras ang kalaban kaya hindi pa maasikaso ang magka-BF

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

MARAMI ang nagtataka bakit hanggang ngayon wala pa ring boyfriend ang napakagandang aktres na si Sanya Lopez. Mapili ba ito o sadyang ayaw pa lang niyang magkaroon ng karelasyon.

Sa inauguration at ribbon-cutting ng Shinagawa Diagnostic and Preventive Care Center sa BGC, Taguig City noong April 26 ay nakausap namin si Sanya dahil isa siya sa ambassador nito kasama si Ellen Adarna. Sumailalim na pala sa lasik surgery si Sanya kaya naman malinaw na malinaw na ang kanyang mga mata. 

Ani Sanya, noong una’y sobra siyang kinabahan sa gagawing procedure sa kanya pero nawala iyon nang tiniyak sa kanya na safe ang gagawin sa kanya. “And sinabi nila na, ‘we will make sure na magiging happy ka, right after ng procedure.’  

At tinotoo nga ang sinabing iyon ng Shinagawa sa kanya dahil talaga namang sobrang happy siya sa resulta.

Kuwento ng GMA actress, kung dati ay extra effort ang ginagawa niya sa pag-arte dahil malabo ang kanyang mga mata ngayong okey na okey na. Noon nga raw ay hindi rin niya masyadong makita ang kaguwapuhan ni Gabby Concepcion nang una silang nagsama sa First Yaya, ngayo’y kitang-kita na niya.

Buong pagmamalaki pa niyang sinabi na 20/20 na ang vision niya.

At dahil malinaw na malinaw na ang kanyang mga mata, biniro si Sanya na posibleng makita na niya ang ‘the right one.’

Masyado na ngang malinaw, tapos naghahanap ka ng ano…” sabay-tawa nito.

Open naman siya sa pakikipag-date at magkaroon na ng boyfriend pero, “nalilibang kasi ako sobra sa trabaho.  Parang iniisip ko nga, paano ko pa siya bibigyan ng oras, kung ‘yung tulog ko nga, hindi ko magawa.  Paano pa ‘yung relationship?

“Pero kapag dumating naman ‘yung time na magkaroon tayo ng karelasyon, if ever na dumating man siya, ibibigay ko naman ang time ko,  gagawa ako ng paraan,” pagtitiyak ni Sanya.

Sinabi ni Sanya  na may nagpaparamdam at nangungulit sa kanya.

Kaya lang hindi talaga ako pala-sagot kapag may nagmi-message at gustong lumabas. O baka naman friendly date lang.  At lalabas man ako, palaging friends lang ang kasama ko.”

Sakaling may manligaw o magka-boyfriend siya, kailangan bang ipaalam pa sa kapatid niya ring aktor na si Jak Roberto o approval nito?

Sagot ni Sanya, “Parang hindi na, go na kasi ang Kuya ko.  Ang kuya ko na ang naiinip,  ‘kailan ka ba (magboboyfriend)? Anong plano mo day?”

Sa kabilang banda, ang Shinagawa Diagnostic and Preventive Care Center ay ang first one-stop medical na nag-o-offer ng Japanese standard health services providing a full line-up of comprehensive diagnostic tests and customizable screenings.

Matatagpuan ang kanilang clinic sa 8th and 23rd floor of Ore Central Building sa Bonifacio Global City sa Taguig. Bukas ito Mondays to Saturdays, 8:00 a.m. 5:00 p.m..

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Julia memorable shooting sa Japan

RATED Rni Rommel Gonzales SA bansang Japan kinunan ang kabuuan ng Hold Me Close na …

The Kingdom Piolo Pascual Vic Sotto

Vic kinarir pagda-drama, nakipagsagupa kina Piolo, Sue, Sid, at Cristine

MA at PAni Rommel Placente NAIMBITAHAN kami sa advance screening ng pelikulang The Kingdom na …

Rufa Mae Quinto Trevor Magallanes

Rufa Mae go-go-go pa rin kahit maraming problema

MA at PAni Rommel Placente MARAMI ang humanga sa pagiging positibo ni Rufa Mae Quinto …

Vilma Santos Ed de Leon

Kaibigan ni Ate Vi at Hataw columnist Ed de Leon sumakabilang buhay

PUSH NA’YANni Ambet Nabus NAKAGUGULAT at nakabibigla ang mga pangyayari noong Wednesday. Sabay-sabay na sumambulat …

Joel Cruz P25-M 25th anniversay Aficionado 

Joel Cruz mamimigay ng P25-M sa 25th anniversay ng Aficionado 

MATABILni John Fontanilla MAMAMAHAGI ng P25-M ang tinaguriang Lord Of Scents na si Joel Cruz …